CHAPTER 7 OF PART 1

27 1 0
                                    

*****

pumasok ako sa second subject namin nang mentally absent. nalilito na ako.

dapat ko bang paniwalaan si chelsea at it itutuloy ang relasyon namin?

o

dapat ko bang i pursue yung feelings ko kay krizhia at makipaghiwalay kay chelsea?

hindi ko na alam ang gagawin!

"mr. santos. stop daydreaming at my class."

"huh?, a-ah, s-sorry mam. i'm not feeling well"

"ah. is that so?, better go to the clinic. baka magtuloy yan sa sakit.mahirap na. exam week pa nman ngayon"

"salamat po ms. chua"

"ma'am. sasamahan ko na po siya" sabi ni krizhia.

ano ba krizhia. gusto ko ngang mag isip sasama ka nman!  >___<

nung makalabas kami ng room

"liar!"

"pakialamera!"

"tinatamad akong makinig sa lecture kaya gumawa na lang ako ng alliby"

"HAHA!. ikaw talaga."

"tara sa may auditorium. sound proof dun. iwas sa maingay."

katulad ng sinabi niya nagpunta kaming auditorium.

sound proof nga pla ito kaya sobrang tahimik.

"krizhia bakit?"

"anong bakit?"

"bakit ka ganyan sakin?"

"kasi ganito ako"

"seryoso ako"

"seryoso din nman ako ah. look kyle, i adore you since first year. natutuwa ako sa mga corny jokes mo. sa mga kakulitan mo. akala ko. infatuation lang pero hindi eh. i love you ever since

nung pinag gawa tayo sa psychology. tunay yung sinagot ko doon. i literally like you. love pa nga eh. pero natatakot akong hindi mo ko tanggapin. alam ko kasing ganon din ang sinagot ni chelsea. kalapit ko siya nun eh"

"bakit ngayon mo lang sinabi?"

"kasi ngayon ka lang namulat sa katotohanan. na may iba pa bukod kay chelsea.

 i know you love her ever since. hindi mo lang inaamin sa sarili mo. akala mo wala lang pero nung nag pakita ng motibo si chelsea. naging sigurado ka sa nararamdaman mo diba?"

"i can't loose you krizhia"

"i can't too kyle. mas mahirap i let go ang taong never naging sayo pero malaki ang binago sa buhay mo"

niyakap ko si krizhia. naramdaman ko na lang basa na yung polo ko. umiiyak siya ng hindi ko alam

nasasaktan siya ng hindi ko namamalayan.

gusto ko siyang protektahan pero hindi ko kaya. dahil may masasaktan pa akong isa. si chelsea.

umalis na din kami pagka tahan niya. medyo mapula nga ang mata niya kaya hindi na siya pumasok nung hapon. pinabayaan ko na lang.

sabay kami kumain ng lunch at mag merienda ni chelsea.

hindi ko nga alam kung tama ba yung ginagawa ko eh.

93-95 naman ang grade ko lagi sa values education pero bakit parang wla akong natutunan?

hindi ko na kasi alam ang tama sa mali.

exam week na pla kaya napapadalang ang pagpunta ni chelsea sa bahay. mula kasi nung maging kami.

sa bahay siya naghahapunan kaya close na sila ni mama.

pero ngayon iba na.

ako ang napunta sa bahay nila krizhia para maghapunan.

komportable akong kasama siya kahit alam kong may gf pa ako.

lokohan lang din nman yung amin ni chelsea diba?

bakit ko nga ba pinagpipilitan na lokohan lang yun?

bitter lang ba ako?

o sadyang ganon nga talaga yun?

malapit na ang paghuhukom. ano nang mangyayari sakin ngayon?

*****

ang bilis ng panahon.

exams na naman. pakiramdam ko babagsak ako ngayon. sa dami ba nman ng isipin ko eh.

pinilit kong  mag focus sa review kahit ngayong araw lang. ayoko din nmang mwala sa dean's list.

sa sobrang bilis ng panahon at pangyayari. akalain mo.

bukas na pala ang second monthsary namin ni chelsea.

dalawang buwan pa lang pero ang dami nang nangyari.

kung tutuusin parang kalahating taon na din eh.

yung 60 days na yun eh sobrang memorable sakin.

in normal terms. tinapos namin ang apat na subject ngayon at tatlo bukas. after nun christmas vacation na. tapos new year na! ^^

madadali lang ang exams. mabuti kahit papano may naisagot ako.

at dumating na ang araw na hindi ko inaasahang darating pa.

last day ng exams. at the same time. 2nd mothsary na nmin.

ok na naman kami kahit papano ni chelsea. sabay kumain ng lunch

pero naalis siya sa hapon ksi may event ang glee club, nag re ready para sa orientation ng new members na mapipili at ia announce sa pasukan next year

tinapos ko ng mabilis ang tatlong exams namin pra pag isipang mabuti ang gagawin ko mamaya.

palabas na ko ng gate nung may humawak sa braso ko

"kyle... goodluck"

kinilabutan ako bigla. si krizhia pala.

"ou nman. ikaw din take care. ^^"

"haha. ^^ eto nga pla oh. advance christmas gift ko. gusto kong mauna sa lahat. :)

pero wag mo munang bubuksan hanggang hindi ko sinasabi sayo. "

"bakit ganon? regalo ko tapos ikaw magsasabi kung kelan ko bubuksan? HAHAH!"

"gawin mo na lang!, geh bye!"

 tapos umuwi na ako dala yung kung ano mang regalo meron sa loob nitong kahong ito.

to quit or to lieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon