Mga katagang sa'kin noo'y binitawan
Minsan kaya ay dagling sumagi sa iyong isipan ?
"Maaari ba kitang maging kasintahan" ?
Noon nga sa'kin tanong mong tuwiran.Abot langit nga ang tuwang nadarama ko
Batid kong ang matamis na "OO" ang siyang hangad mo.
Puso'y bumibilis ang pintig kasabay nang matinding pagkalito.
Pag-aalinlangan nga ay siyang agad na bumalot sa munting puso.Naging mabilis nga ang siyang pagtatapat mo.
Maaari bang pagnilayan ko muna ito ?
Sayo nga ba ay susugal ako ?
Huwag sana sayo'y maging laro lamang ito.Sapagkat "mahal na nga kita Ginoo".
Iyan ang mga katagang ibinubulong ng puso
Katagang siya'ng marapat sa tanong mo
Subalit ang huwag sumugal sayo'y ang siyang minarapat ko.Oh, patawad Ginoo
Sapagkat ang matamis na "OO" ay hindi siyang sagot ko.
Mabatid mo sanang puso ko ma'y waring pinipiga sa naging tugon sayo.
Ang huwag sumugal sayo ay ang pasya ko.Distansya nga ang siyang naging batayan ko.
Pagitan nga nati'y mahigit sa libo-libong kilometro.
Subalit Ginoo, Ikaw nga ay lihim na pinipintig nitong puso.
Buksan yaring dibdib, pangalang nakaukit masisilayan ay walang iba kundi ang sayo.