Chapter 2: Ang love ay parang MATH

73 1 0
                                    

Salamat sa pagsuporta ng unang chapter. I love you all! Hehe. :))

Ayun, update time na! Sana ma-enjoy niyo. Keep on reading, rereading, commenting, and voting!\

follow me on Twitter and Instagram: @lucyfairr

xoxo, Lucy

------------------------

(Ang love ay parang MATH. Mahirap intindihin. Pero, as you go on and listen to your teacher, dumadali. Minsan nga lang, mahirap pa rin. Lalo na pag puro X's and Y's. Db? Relate? :D)

Pagkauwi ko, hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko. Kasi kanina, isip ako ng isip kung kailan ako mai-inlove. Tapos, nung nginitian ako nung lalaking yun, hala! Parang kamatis ako sa pula.

Binalewala ko nalang ang lahat. Kumain na kami ng dinner. Pagkatapos ay biglang nagtanong si mommy, "Anak, bakit mukhang masaya ka?" "Wala po ito mommy. Masaya naman po talaga kasama sila Mitch", sagot ko. Pero parang ayaw maniwala nito ni mommy. Dudang-duda yung pagkakatingin niya sa'kin. Hmm... Bakit kaya?

Kinaumagahan, Lunes.

May pasok na. Madaling-madali ako sa pagkilos sa takot na ma-late sa unang araw ng pasukan. Makalipas ang isang oras, dumating na sila Macy at Pia. Sinusundo na ko ng mga bruhan 'to.

Nakalimutan ko nga pala, sabay kaming papasok ngayon. At dahil first day ng aming senior year, mas gusto naming sabay-sabay kami. Kasi naman, LAST NA 'TO! Dahil next year, college na kami. Parang ang bilis ng panahon... Dati-rati, naglalaro pa kami ng piko sa garage namin, tapos ngayon, graduating students na kami.

Naglakad kami papuntang school. Malapit lang naman kasi. At mas masayang maglakad pag kasama ang mga kaibigan...

10-15 minutes lang, nasa school na kami. Nakaka-kaba na nakaka-excite. Ang daming bagong mukha, lalo na sa freshmen. Namiss ko tuloy maging baguhan dito.

*FLASHBACK*

Unang araw ng highschool, kinakabahan ako ng sobra. Paano kung ayaw nila sa'kin? Paano kung isipin nila maarte at sosyal ako? Haaaay, bahala na... Naglakad na ako papasok ng campus. "Welcome to St. Raphael Catholic School!"

Hinanap ko yung room ko. Wala pa kong new friends. Forever alone. :(

Ayun, 204! May bakante pang ilang upuan. Umupo na ako at nanatiling tahimik. Nagsalita ang aming teacher, "Good morning. Welcome to your first day of highschool. Tomorrow will be your second day. ;)" Aba, joker naman pala 'tong teacher namin e. Hahaha... Ang pangalan daw niya'y Mrs. Baby Marquez. Nakakatuwa siyang teacher. Siya ang aming Math teacher and at the same time, adviser.

Introducing of selves na. Grabe, kabadong-kabado ako. Nakakatakot kasi baka i-reject nila ako. Omg, it's my turn...

"Good morning po. I'm Laura Denise Go, half-Filipino and half-Japanese. I was born in Japan but I grew up here because my dad has his business here in the country. I graduated primary education at Saiko no Hizashi Primary School. I like Disney stuffs, specifically, Stitch and Mickey Mouse. I sing, I dance, and I... I... I wanna make friends. I'm afraid of being rejected. And I'm just glad to be here. Thank you."

Hala, sobrang pula ko sa kaba. Bumalik na ko sa upuan ko, at doon, kinausap ako ng mga katabi ko, si Macy at Pia. :)

*END OF FLASHBACK*

Love Can Wait...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon