Chapter 3: Ang love ay kasing-tamis ng CHOCOLATE

42 1 1
                                    

Salamat po sa pagsuporta ng first 2 chapters. I won't fail you po. Continue to read, reread, comment, and vote. Libre din po magpa-dedicate. Hehe. Sana suportahan niyo po yung story na 'to hanggang sa makumpleto ko. :)

follow me on Twitter and Instagram: @lucyfairr

xoxo, Lucy

-----------------

 (CHOCOLATE - sabi nila good for the heart, lalo na pag dark chocolate. Pero bawal sa diabetic.)

Natapos na ang unang araw ng aming senior year. Naglalakad kami pauwi nila Macy at Pia nang may bumusinang sasakyan sa likuran namin... *Peep! Peep!*

"Oh, sino naman kaya yan? Ang laki ng kalsada, bubusina pa. Nasa gilid naman tayo", sabi ni Pia.

Pagkabukas ng bintana, "Hi Laura! Lika, sabay ka na sa'kin", sabi nung lalaking nagda-drive.

"Kilala mo?", sabay na sambit ni Macy at Pia. "Ah... Oo, kapitbahay namin", sagot ko.

Yung lalaking ngumiti pala sa'kin kagabi. Haaay, ano bang pangalan nito? Hindi ko tuloy maipakilala.

"Hindi na. Nakakahiya naman", sabi ko sa kanya. "No, I insist. Tara!", sabi nung lalaki. Eh di ayun, sumabay na kami. Hinatid muna niya si Pia at Macy tapos tsaka kami nag usap...

"Ahm... Pwede ko bang mahiram yung oras mo? Ngayon lang, promise! Kahit 30 minutes lang.", tanong niya. "Ah, eh... Hindi pa nga kita kilala e", sagot ko naman. "Ahm, ahem! Ako nga pala si Miguel. And you are?", biglang sagot niya. "Ako si Laura." "Well, nice meeting you, Laura.", sabay smile nitong bugok na ito.

"Oo nga pala, I got you something," may kinuha siya sa likod ng kotse niya, "ito oh! Chocolates. Sana magustuhan mo. Napadaan kasi ako sa mall kanina. Eh, naisipan kong dalhan ka niyan."

Halaaaa, namumula na ata ako. :"> NAKAKAHIYA!!!

Wala akong ibang nasabi kundi, "Thank you. :)"

At inihatid na niya ako sa bahay...

Bakit kaya ako nito binigyan ng chocolates? Friendly masyado? Nagpapasikat na kaya niya kong bilhan ng mamahalin? Ano baaaa? Pero, in fairness ha, nag-blush ako nun. :)

So, tinext ko agad si Pia. Kinwento ko sa kanya yung nangyari. Syempre, magkasama sila ni Macy, kaya siya nalang ang tinext ko. Mahirap magkwento ng paulit-ulit.

"Kinilig ka naman?", text ni Pia. "Malamang! First time 'to noh!", reply ko.

Kinagabihan, hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari. Sobrang nakakatuwa. :">

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Can Wait...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon