Princess's POV
Nagising ako na nasa isang lugar na may puting kisame. Tumingin ako sa right side ko. Nakita ko yung lalaki na nakaaway ko sa hallway kanina!
"Na-nasan ako--- IKAW?!" sigaw ko
"Oh relax, relax" sabi niya at itinaas ang kamay niya as sign of relax
"Anong ginagawa ko dito?! Ba't--- ouchh!" Daing ko ng mahawakan ko ang mukha ko
"Nakita kasi kita nakahandusay ka sa damuhan sa may Lady's Room, may sugat ka din sa mukha na mukhang sugat galing sa icepick. May naalala kaba na gumawa nyan sayo?" Tanong niya sakin.
Tumingin ako sa kisame na parang nagiisip. Sino nga ba kasi?!
"Si... mhhhh... Iveth! At yung alipores niya! Si-sila! Sila yung---" pinutol niya ang sinabi ko
"Iveth?! Diba ang Queen Brat of Philippines yun?! Tsaka di naman sila nagaaral ngayon dito dahil---" naputol ang sasabihin niya dahil may apat na lalaki ang pumasok. At lubhang kinainis niya
"IKAW?!!" sigaw nilang apat.
Sina kuya, bakit ganun nalang ang sigaw nila? Don't tell me kaaway nila tong lalaking 'to!?
"Anong ginawa mo sa kapatid ko, Fucker?!" Mura ni Kuya Drake
Whoah! Ngayon lang ako tinawag na 'kapatid ko' ni Kuya Drake. Love niya naba ako?!
"Kay kitid ng utak oh!-- Bakit sa tingin mo anong gagawin ko sa kanya?!" Sigaw ng lalaki
"Shut up! Para namang di mo alam ugali mo?! Gusto mo isa-isahin ko pa?!" Sigaw naman ni Kuya Jayfor.
"Wala naman akong ginawa, why won't you ask your sister?!" Sigaw ng lalaki at smirk pa.
"Just leave, James para wala ng gulo" mahinahong sabi ni Kuya Marcus.
Told you, sya ang pinaka mahinahon sa mga kuya ko so that's why I love him!
"Okay I will leave, pagaling ka!" Sabi nung lala--- ni James.
"Leave!" Madiing sabi ni Kuya Clark.
"Okay.. okay.. wala man lang pa-thankyou tsk! What do I expect to this Gimongala family?! Edi baddass!" Sabi ni James dahilan para mainis ako
"Aba! Anong baddass?! Kaming mga Gimongala baddass?! Aba sumosobra kana ah!" Sigaw ko
"What do you call the Gimongalas?!" Tanong ni Kuya Jayfor.
"Baddass---" hindi na natuloy nung James ang sasabihin nya dahil sinapak sya ni Kuya Jayfor. Oh gosh!
Natumba si James sa may mesa. Ang lakas ng sapak nayon. Kanina pa ata nagtitimpi si Kuya Jayfor pero nailabas niya, oh my god!
"Gago ka! Bastusin mo na ako huwag mo lang babastusin ang apyelido ko!" Sabi ni Kuya Jayfor at dinuduro pa si James.
Hinawakan ni Kuya Marcus si Kuya Jayfor sa braso para di na masaktan pa si James. He is right. Bastusin na lahat huwag lang ang family name!
"Oh bakit hindi ba totoo na ang lahat ng miyembro ng pamilya Gimongala ay baddass?! Mapa-babae man o lalaki!? Tell me! Hindi ba totoo ha--" pinutol ni Kuya Drake ang sasabihin nya.
"SHUT UP BITCH!" sigaw ni Kuya Drake
"Huwag nga kayo magmurahan! Nasa harap tayo ni Princess, shut up!" Sabi ni Kuya Clark
"Hoy ikaw Princess! Sabihan mo yang mga kuya mo na ulol ha?!" Sabi ni James sakin.
"Excuse me! Hindi ulol ang mga kuya ko! Ikaw ang ulol!" Sigaw ko
"Can you please get out to this clinic now?!" Sigaw bigla ni Kuya Marcus
"Were not done" sabi ni James at umalis
Isang malakas na bagsak ng pinto ang umalingawngaw dito sa clinic ng magsalita si Kuya Clark.
"Princess, what happened to you? To your face?" Tanong ni Kuya Clark
"Pati dyan sa buhok mo, look hindi pantay oh!" Turo ni Kuya Marcus sa buhok ko.
Hinawakan ko yung buhok ko. He is right di nga pantay ang buhok ko. Yung isa hanggang balikat yung isa hanggang waist ko, pati pala ang buhok ko dinamay ng letseng Iveth nayan!
"Lintik na Iveth yan!" Mahinang sambit ko
"Kelan ka natutong magmura?!" Cold pero madiin na tanong sakin ni Kuya Jayfor.
Whoah! Narinig nya yon?! Ang talas ata ng pandinig nya?!
"Mura ba ang lintik?!" Iritableng sagot ko sabay irap
Hindi ko pa kasundo si Kuya Jayfor kasi sinaktan nya ako kahapon tapos ngayon kakausapin nya ako feeling close sakin?! Tsk!
"Oo---" pinutol ni Kuya Clark ang sasabihin ni Kuya Jayfor
"Jayfor huwag mo namang ganyanin si Princess, just show you love her as your sister" sabi ni Kuya Clark
"Tsk" sabi ni Kuya Jayfor at umupo sa sofa ng clinic
See? Mahal kaba ng kapatid mo kung ganyan siya?! Ang bait nilang dalawa no?! Hindi man lang ako kinomusta T.T sana meron man lang 'Komusta ka? Anong nararamdaman mo?' Ganun? Kaso wala eh!
"Hayaan mo sila lil sis, may masakit ba sayo lil sis?" Tanong ni Kuya Clark sakin
"Wala... Kuya... may sasabihin ako" sabi ko sa kanya
"Sure ano ba iyon?" Tanong ni Kuya Clark
"Galit ba sina Kuya Jayfor at Kuya Drake sakin?" Pabulong kong sabi
Tinignan ni Kuya Clark si Kuya Drake na busy noon sa pagtatalop ng green apple tapos si Kuya Jayfor nakaupo sa sofa nakapikit at nakaheadphones.
"Oo, alam mo naman yang mga yan. Manang-mana kay Dad" pabulong din na sabi ni Kuya Clark
Maya-maya lumapit sakin si Kuya Drake at inabot sakin yung apple na dala niya.
"A-akin to?" Tanong ko
"Ay hindi, sakin. Tsk. Sayo malamang" cold nyang sabi
Whoah! First time toh. Matiti-tears of joy ako nito.
"Tha-thank you kuya" nauutal kong sabi tsaka kinagat yung apple na walang balat.
Alam ni Kuya Drake na ayaw ko sa apple ang may balat kaya matiyaga niya tinalapan. Loving care ang peg? Sana lagi akong ibully nina Iveth para alagaan ako ni Kuya Drake.
"Jayfor" tsaka kinalbit ni Kuya Drake si Kuya Jayfor.
Bigla nalang tinanggal ni Kuya Jayfor at sumigaw.
"I DON'T LOVE HER!" sigaw niya
"Huh?" Tanong naming apat sa kanya
"H-ha? May si-sinabi ba ako?" Tanong niya
"Oo. Sinong her bro?" Tanong ni Kuya Marcus
"N-nah. Dont mind me" cold nanaman niyang sabi.
Curious ako. Sinong her? Hindi kaya si.....?
Jayden Beatriz Jedd Keys?
Ang ex girlfriend ni Kuya Jayfor.
BINABASA MO ANG
The Ex Battalion is Inlove to me
Dla nastolatkówPano kung ang isang banda na sikat na sikat ay mainlove sayo? as in silang lahat. pogi, hot, may abs, magaling kumanta, mabait at malambing silang lahat. sino pipiliin mo?