-

7 0 0
                                    

"Sana kapag pwede na, pwede pa"
----------------------------------------------------------------

Ako si Franco.

Simple lang ang buhay na meron ako, hindi kami mayaman kagaya ng iba. Nag-aral ako sa pampublikong paaralan nung elementarya at sekondarya at dahil sa hirap ng buhay hindi na ako nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang mga magulang ko ay mga manggagawa, ang aking ama ay isang karpentero at ang aking ina naman ay isang kasambahay. Tumigil ako sa pag-aaral dahil sa kapos sa buhay at napilitang magtrabaho ng mas maaga para makatulong sa aking mga magulang.

Ang hirap maging mahirap. Minsan nga naiisip ko na ang kahirapan ko ang dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ng taong hinahangaan ko. Wala kasi akong maipag-mamalaki sa kanya. Ang tangi ko lang maiibibigay ay ang puso at pagmamahal ko. Sapat na ba yun para mapa-oo ko sya?

Tingin ko hindi.

Nakilala ko sya nung elementarya palang ako. Madalas syang magbakasyon sa bahay ng lola nya kung saan nagtatrabaho ang nanay ko. Nakikita ko sya lagi sa labas ng balkunahe ng bahay ng lola nya kalaro ang mga pinsan nya. Maganda sya, maamo ang mukha at masasabi kong mukha syang mabait. Minsan nakikita ko syang tumatawa kapag nagbibiruan silang magpipinsan, gusto ko syang makilala pero hindi ko alam kung paano.

Hapon na naman, naglabasan na naman ang mga bata sa kalsada para maglaro ng patentero at habulan. Nakisali ako sa kanila at heto na naman, nakita ko syang nanunuod sa mga kapwa batang naglalaro sa kalsada. Hindi sya sumasali, nanunuod lang sya at nakikitawa. Tingin ko ay nahihiya pa syang makisalamuha.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung magbakasyon sya dito sa amin. Hapon na naman, tulad ng mga nakaraang araw naglabasan na naman ang mga kabataan para maglaro at heto na naman sya, di tulad nung mga nakaraang araw, nakikisalamuha na sya. Marami na syang kaibigan at masasabi kong mabait nga sya. Sumali sya sa laro naming patentero at dahil swerte yata ako ngayong araw naging magkakampi kami sa laro. Maraming laro ang napanalunan namin ng magkasama at nakikita ko sa mga mata nya ang saya.

Hanah. Yun ang pangalan nya nung nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin sya. Magkasing- edad lang pala kami. Tinanong ko sya kung gaano sya katagal na mananatili sa bahay ng lola nya. Sabi nya, isang linggo nalang daw mula sa araw na 'to. Ang bilis parang kararating nya lang aalis na kaagad sya.

Kinabukasan, pumunta ako sa bahay ng lola nya para makita sya. Dumeretsyo ako sa kusina kasi alam kong andun din ang nanay ko at naghahanda ng umagahan nila. Nakita ko sya na nakaupo sa harap ng lamesa umiinom ng kape at kumakain ng pandesal na binili ng lolo nya. Nung nakita ako ng nanay ko na nakatayo sa may pintuan ay pinapasok nya ko at pinaupo sa harap ng mesa katapat nya at binigyan din ng pandesal. Mababait ang lolo at lola nya at masasabi kong parang pamilya na rin ang turing nila sa amin. 

Naglapag din si nanay ng kape sa mesa para sa akin.

"Hanah. Si Franco nga pala, anak ko."

Tumingin sya sa akin na naging dahilan ng pag bilis ng tibok ng puso ko. Ngumiti lang sya ng bahagya at sinabing "Kalaro ko po sya kahapon."

Napangiti ako kasi kahit papaano hindi nya pala ako nakalimutan. Umuwi akong may ngiti sa labi nung mga araw na yun. 

Mabilis natapos ang bakasyon at nagsimula na ang klase. Maraming buwan ang hinintay ko. Pinagbutihan ko ang pag-aaral ko, mabilis lumipas ang mga buwan at ito na yung panahon na pinakahihintay ko. Sana makita ko ulit sya. Pumunta ako sa tindahan ng lola sya at nakita ang isa sa mga pinsan nya. Naglakas loob na akong magtanong kung magbabakasyon ba ulit si Hanah dito sa amin.

Waiting Game (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon