Chapter 25

5.4K 119 3
                                    

Pain

Pumasok ako sa loob ng condo ni Steve ng tulala. Mag mula ng sunduin niya ako sa sementeryo tulala at hindi na ako makakausap, ramdam ko rin ba Panay ang sulyap sa'kin ni Steve tilang may gustong sabihin ngunit niya maituloy tuloy. Naiintindihan ko naman ito, kaibigan ko siya at nag aalala lang ito sa'kin ngunit hi di ko pa kayang mag kwento ngayon, siguro bukas na lang kapag kaya ko na.

"Maligo ka na muna para hindi ka magkakasakit." Ani nito saka niya tinuro ang kwarto nito na pwede kong gamitin. Ngumiti ako dito at saka ako tumungo sa kwarto.

Dumeritso ako sa banyo ng kwarto nito saka ko hinubad ang lahat ng saplot ko at pinaandar ang shower. Hinayaan ko ang tubig na dumaloy sa katawan ko, kasabay ng tubig ay ang mga luha ko.

Alam kong ang gusto lang ni papa ay mailayo kami dahil takot itong mawala kami sa kanya ngunit bakit kailangan pang sunogin ang bahay namin kung pwede namang pag usapan nila ni mama iyon?

Isang oras akong nagmukmok sa ilalim ng shower ng mapagdesisyonan kong taposin na ito dahil sa pag aalalang baka hinahanap na ako ni David.

Masakit man ang mga nakita ko kanina na kasama niya si Megan, wala pa rin akong kasiguradohan kung bakit sila mag kasama kaya dapat muna akong mag tanong bago ko siya paratangan baka nagkakamali lang ako.

Papalabas pa lang ako ng banyo ng marinig ko ang doorbill. Suot ang roba ay lumabas ako ng kwarto ni Steve.

"Steve sino yan?" Tanong ko kay Steve dahil kaunti lamang ang bukas ng pinto ar tilang maykasagotan si Steve.

Lumapit ako kay Steve at saka ko tinignan ang taong nasa labas, laking gulat ko ng makita si David na nakatayo doon. Basang basa at matatalim na mata ang ipinukol nito sa akin.

"David" mahina kong banggit sa kanyang pangalan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko.

"Kilala mo siya Alexa?" Nag tatakang tanong sa'kin Steve. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Steve lalo na at kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin at kay Steve.

"So that's it!" Ani David saka ito tumalikod sa amin at umalis.

"Sandali lang David" tawag pansin ko dito ngunit patuloy lang ito sa lakad. Nag mamadali akong nag bihis at saka ako lumabas ng condo ni Steve.

"Alexa saan ka pupunta?" Pigil sa'kin ni Steve.

"Steve sandali lang kailangan ko siyang habolin." Ani ko at saka ko siya tinalikuran at tumakbo. Nang makarting ako sa elevator ay matagal pa itong bumukas kung kaya ginamit ko na lang ang hangdan para mahabol ko siya.

Habang nag mamadali ay hindi ko mapagilang matakot at kabahan dahil baka kung ano ang isipin nito sa natagpuan niya.

Nang nasa basement na ako ay nakita kong kakapasok niya pa lang sa kotse nito kaya dali dali akong tumakbo.

"David..... Sandli..." Tawag ko sa kanya ngunit tuloy tuloy lamang ito. Mas binilisan ko pa ang takbo ko ng makita kong umaandar na ang sasakyan nito.

"David!!!!!" Sigaw ko upang marinig niya ngunit hindi tumigil ang kotse nito hanggang sa hindi ko na makita ito.

Agad akong nag hanap ng taxi at kahit umuulan ay hindi ko na ito ininda maabotan ko lang siya. Nang makahanap ng taxi ay agad ako sumakay papunta sa condo nito.

Habang nasa loob ng taxi ay unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata. Paano kong magalit ito sa akin at iwan ako? Hindi ko kaya. Maliban sa mga kaibigan ko siya lang ang tanging lalaking nagmahal at nag pasaya sa'kin ng totoo.

Nang makarating sa building ng kanyang condo ay agad akong sumakay ng elevator patungo sa floor nito. Hindi ako mapakali habang nag hihintay sa loob ng elevator para akong maiihi sa kaba.

The Unforgettable Man TGS 1 (COMPLETED and EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon