chapter 33

5.9K 133 4
                                    

Our daughter


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa amoy ng isang ulam. Bigla akong nagising ng may mapagtanto ako. Sinong nasa suite ko?
Agad akong lumabas ng kwarto ko at saka ako pumasok sa kitchen. Isang matangkad na lalaki ang naroon at nag luluto.

"What are you doing here?" Tanong ko dito dahilan upang humarap ito sa akin.
"Oh hi good morning. Bukas ang suite mo kaya pumasok na ako. I cooked your favorite dish." Ani nito saka ito sa aking ngumiti.

"Next time lock your door. Paano kung may ibang tao ang pumasok dito? Mabuti na lang at ako ang nakakita. Here let's eat breakfast." Dagdag nito at saka niya ako hinila papuntang dining upang kumain. Nakahain ang iba't ibang ulam. Adobo, bacon, sunnyside up, at scramble egg.

"David you don't have to do this." Agad na sambit ko.

"But I want to do this. Gusto kitang alagan, gusto kitang pagsilbihan. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko." Ani nito. Wala na akong masabi dahil dito kaya nagpatiayod na lang ako at saka kumain.

Tahimik lang kaming kumakaing dalawa. Walang nag balak na basagin ang katahimjkan. Kung sa bagay mas gusto ko iyon. How I miss eating my breakfast with him. Napatigil ako sa pagsubo ng may doorbell. Agad na tumayo si David.

"Ako na just continue." Ani nito. Agad itong pumuntang pinto at saka niya ito binuksan. Wala akong narinig na kahit ano kaya nagtataka ako. Nag desisyon akong pumuntang pintuan.
Shock is on my face. Lumaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Namamasa na rin ang mga kamay ko. Natataranta ako.

"Sab." Tawag ko sa kaibigan ko na agad napunta sa akin ang mga mata nito.
"Mommy" tawag sa akin ni Alex. Laglag ang panga ni Sabrina dahil sa bigla. Tinignan ko si David. Nakatingin lamang ito sa anak namin at nagtataka. I know he already figure out pero alam ko ding nagtataka ito.

"Alex." Tawag ko dito agad tumakbo ang anak ko sa akin at saka niya ako niyakap.
"Mommy I missed you. Tita Sab and I made a decision to come here. Wala namang po kaming ginagawa kaya we visit you. I miss you mommy." Ani ng anak ko at saka ako pinugpog ng halik sa pisngi ko. 

"I miss you too sweetheart."Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Alexa I'm sorry hindi ko alam." Ani Sab. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Mom Who is he? He looks familiar to me." Ani Alexandria dahilan upang kabahan ako. Agad lumaki ang mga mata nito ng may mapagtanto.

"A-are you David? M-my daddy?" Utal-utal na tanong ng anak ko sa kanya.
"Am I right tita Sab? Siya iyong nasa picture na pinakita mo sa akon diba?" Tanong niya kay Sabrina. Agad naman yumuko si Sab.

"Alex Sweetheart." Tawag pansin ko sa kanya.
"Mom diba po tama ako? He is my daddy right?" Tanong nito sa akin. Tumingin Ako kay David. Nakatinga ito sa at nakaigting ang panga nito. Naramdam ata nito ang tingin ko sa kanya kaya ito nakatingin sa akin. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa nakita ko. Namumula ang ilong nito at isang kalabit na lang alam kong papatak na ang luha nito.

"Sweetheart. He is D-david Beethloven your daddy." Ani ko sa anak ko lalong sumikip ang dibdib ko ng makita ko ang luha ng anak ko.

"D-david. Si Alexandria a-anak natin." Nauutal na pagpapakilala ko. Agad tumakas ang luha sa mga mata ko ng makita kong tuloyan ng tumulo ang mga luha ni David.

"Daddy" tawag ni Alex sa kanya at saka ito tumakbo papunta sa kanya. Agad niya binuhat si Alex at saka niya ito niyakap ng mahigpit at tuloyan ng napahagulgol. Napaiyak ako dahil sa eksenang nakita ko. Ang anak ko ay patuloy tinatawag ang tatay nito habang umiiyak. And David is crying so hard, ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.

Buhat ni David ang anak namin habang natutulog ito sa mga bisig niya. Nakatulog ito dahil sa pag iyak at dahil na rin siguro sa byahe. 

Tutok na tutok si David sa anak namin at hindi niya man lang magawa ang lumingon sa akin o kahit saan. Ang mga mata nito ay ukopado lamang ng anak namin.

"Alexa I'm sorry. Hindi ko alam na nadito siya." Ani Sab.
"It's okay." Saka ko siya binigyan ng ngiri.

"Saan ko siya ilalagay?" Tanong sa akin ni David habang nakaharap pa rin sa anak namin.
"S-sa kwarto ko na lang." Ani ko. Agad niya naman itong sinunod. Pumasok ito sa kwarto ko na sinundan ko naman. Dahan dahan nitong nilapag si Alex sa kama ko. Nang malapag niya ito ay hinawi niya ang mahabang buhok nito na nakaharap sa mukha ng anak ko. Tinignan niya ito ng mariin at saka niya ito hinalikan sa noo at kinumutan. 

Humakbang ito papunta sa akin at saka ito humarap sa akin. Blanko ang mga mata nito ng tumingin ito sa akin dahilan upang kabahan ako.

"Let's talk." Ani nito. Sinundan ko ito sa kusena. Agad namang umalis si Sabrina at pumasok sa kwarto ko upang bantayan ang anak ko.

"Talk." Ani nito ng kaming dalawa na lang ang natira sa kusena. Kinakabahan ako dahil sa pagiging seryoso nito. Kahit isang emosyon ay wala akong makita sa mga mata nito.

"I'm sorry." Panimula ko na agad tumulo ang luha ko. Pinahid ko ito upang makapagsalita ng mabuti.

"Hindi ko sinasadya David. Noong oras na tinaboy mo ako ay hindi ko alam na buntis ako. I got hospitalized at doon ko lamang nalaman na buntis ako. Wala akong balak na itago sayo ang anak natin. Hindi ko lang alam kung paano sabihin sayo. That time you so mad at me natatakot akong baka itaboy mo rin pati ang anak natin kaya nag desisyon akong wag na lang sabihin at ipaalam na lang sayo kung kailan okay na ang lahat pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Daddy sent me on Singapore after I give birth to Alexandria. Alex know your existence alam niya kung sino ang Tatay niya. Gusto kong maging pare ka ng anak natin sa pag laki niya. David I'm sorry." Mahabang paliwanag ko dito. Habang nag sasalita ay panay ang pahid ko sa mga luha kong tumutulo.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin noong nagkita tayo?" Tanong nito sa akin.

"Dahil natatakot ako. Natatakot akong itakwil mo siya, natatakot akong baka maranasan niya ang naranasan ko. David hindi ko kakayaning makitang masaktan ang anak ko. I rather choose to be hurt than seeing my daughter in pain. Ikamamatay ko iyon." Umigting ang panga nito dahil sa sinabi ko. Nakatingala ito sa taas tilang may pinipigalan. Nakakuyom ang kamao nito. Dahil sa takot ay pinili ko na lang ang manahimik at makiramdam. munting mga hikbi ko na lamang ang naririnig ko.

"Mahal mo ba ako?" Tanong nito sa akin dahilan upang matigilan ako. Nakatingin ito sa akin ng seryoso. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

"What do you mean?" Nagtatakang taning ko dito. Hindi ko maintindihan kung bakit natanong niya ito.

"Just answer my question Alexa. Do you still love me?" Pag uulit nito sa tanong niya. Wala namang dahilan upang mag sinungaling ako. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit ilang taon ang nag daan ay siya pa rin. Siya pa rin ang mahal ko. Tumango ako sa tanong nito. 

"Alright!" Ani nito na tilang may pinag-iisipan. Humakbang ito patalikod sa akin at papuntang pintuan.

"Just give me time to think. Babalik ako mamaya." Ani nito at tuloyan ng lumabas ng suite ko. Napaupo na lang ako dahil sa naramdaman ko. Napagod ako dahil sa kabog ng dibdib ko. Napagod ako dahil sa nangyare.

The Unforgettable Man TGS 1 (COMPLETED and EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon