I

116 8 0
                                    

Neko's note: In case na nabasa ninyo 'yong past chapters, please reread it. Hehe. I changed and added some stuff and hopefully mas maayos na siya :3 thank you for reading guys. Hoping you guys will enjoy every chapter. Please leave a vote and a feedback ❤️

O N E

★✩★✩

Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga hinayupak na ito. Kahit na urat na ako to the maximum level e sinubukan ko munang ubusin ang kinakain ko sa canteen. Syempre, ayoko namang magsayang ng pagkain at pagbabatuhin sa mukha nila itong kinakain ko, 'di ba?

Prente akong nakaupo sa table KO rito sa canteen namin. Oo. May sarili akong table. Sinusubukan kong hindi pansinin yung mga mapangmatang tingin ng mga hinayupak. Hindi naman sila importante sa buhay ko. Nasa pinakagilid na nga 'tong puwesto ko ay nakatingin pa rin sila sa akin. Kahit na inis na inis na ako ay napagdesisyunan ko na lang na hindi dapat pag-aksayahan ng oras.

Xyza Thisbe Elemenop is my name. Don't forget it. Pronounce it correctly. Mind your own business.

(Say/Za/This/Bi El/Em/Enop)

Pagtapos nila akong pasadahan ng tingin ay bumalik na sila sa boring nilang buhay. Okay na kayo? Quota na ba for daily pangkuktya kay Thisbe na wala namang dulot sa buhay ninyo? Tsk.

Bakit ba ang hilig ng mga to na pagtinginan ang dyosa na tulad ko? Wala ba silang magawa sa buhay nila kundi ang mag-chismis? Kids. Napa-roll eyes ako dahil sa mga ito. Kahit na anong sabi ko na wag silang pansinin e nakakakulo talaga ng dugo. Let me eat in peace, okay? Para namang sasaksakin ko kayo ng tinidor—pwede rin.

Sinipat ko ng tingin ang paligid. May mangilan-ngilang bakanteng upuan at lamesa kahit na lunch time ngayon. Hindi na bago 'yon dahil may ilang lugar sa Azure Academy na puwedeng kainan kung sawa ka na sa canteen. Isa pa, malaki rin ito na tingin ko ay laki ng anim na pinagsama-samang classroom. Lakas nga ng school namin, e. Malamig pa rin ang aircon kahit na malaki.

Susubo pa lang ako ng spaghetti na in-order ko nang may umupo sa harapan ko kasabay ng katahimikan ng lahat. Ang kaninang maingay na kantina ay parang dinaanan ng anghel sa sobrang tahimik. Nawala ang tawanan at kuwentuhan ng mga tao sa paligid na wala naman akong pakialam.

"Xyza right?" nakangiti niyang sabi.

One of the jackass in school. Varsity player to probably. Suot niya ang aura niyang "I-am-so-cool-I-play-shit-in-your-school kaya naman agad akong napa-roll eyes. I'll admit he's got looks but still isa sya sa mga hinayupak sa school.

Malamang sa malamang naghihintay itong mga chismosang mga ito sa susunod na mangyayari.

Pagtapos ko siyang tingnan e I smirked saka ibinaling ko ang tingin ko sa kinakain ko. He's got looks but not my type. Ubod ng hangin ito malamang at puro 'ako nang ako' ang magma-matter sa kaniya. He probably approached me because of some deal or shit or I don't know kung paano mag-isip ang hinayupak. I ain't one of them. Malay ko ba sa kanila.

Nag-woah ang crowd na naging dahilan kaya napatigil ako at napangiti ng sikreto.

Akala mo mga nanunuod lang ng sine, e. Masaya sila.

"Fuck," he cussed pero mahina lang. Sapat na para marinig ko. "Wala naman akong pake sa iyo," bigla niyang sabi nang malakas. Napaangat ako ng tingin. Still wearing that smirk on my face.
"O e bakit andito ka pa? Did I hurt your little ego, boy?"

Napapikit siya nang mariin kaya natawa ako nang mahina. Wala pala 'to, e. I heard his ego crashing and I want to laugh devilishly to let him know that I am the boss.

Not a Wall BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon