II

66 5 5
                                    

T W O

Katatapos lang ng class namin at lunch na kaya dumerecho ako sa canteen. Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin galing sa aircon ng kantina. Eto ang gusto ko rito, e. Malamig na parang si ano. Sino nga ba 'yon?

Naalalaa ko bigla 'yong lalaki kahapon. I am kinda curious to that guy. Wala kasi siyang pakialam sa akin hindi tulad ng mga hinayupak kong schoolmates.

Habang naglalakad ako ay nagsisunuran ang mga mata nila at mapanghusga nilang mga bibig. Bwisit. Can't I live in a day without getting judged? Napapagod din ako, o. Dayoff naman diyan.

Pumunta ako sa table KO. Oo, gaya nga ng sabi ko, may table ako rito kasi hinayupak students here thought na nakadidiring nilalang ako e mas nakakadiri naman sila. Papanget kaya nila, duh.

Tulad kahapon ay hindi puno ang canteen pero kita mo ang bawat grupo ng mga estudyante sa bawat table. Lahat sila ay may kani-kaniyang circle of friends na kasama kumain at magplastikan. Ganiyan din ako dati, and I learned from the hard way that those high school friends you thought would last forever would leave you because of a mistake. Your 'friends' would turn their backs on you and you have nothing to do but watch them walk away and talk shit about you. You'd do nothing but pity yourself asking where did it go wrong.

Kauupo ko pa lamang sa table ko ay ramdam ko na naman ang lagkit ng tingin ng mga estudyante sa akin. Mga hinayupak. Sa araw-araw ba naman na nakikita nila ako hindi pa sila nagsasawa? Nasa pinakagilid na ako, e. Ano pa bang gusto nila? Pumunta ako sa gitna at doon umupo para hindi sila mahirapan?

Gusto ko sanang isipin na kaya nila ako pinagtitinginan ay dahil sobrang dyosa ako e kaso may narinig pa akong iilang bulungan tungkol sa pananapak ko sa antipatikong hinayupak kahapon. Serves him right naman kasi. Hindi dahil pogi siya e palalampasin ko pambabastos niya sa akin. Having a mildly above average looks doesn't give you a pass for being an antipatikong bastos.

I have one rule: respect everyone who deserves to be respected. If you are shit, then you deserve to be treated shit, too. That's what happened to that guy. He got what he deserves. Tsk.

Imbes na yumuko ako ay lalo akong nag-chin up saka ngumiti. Mabilis kong inikot ang mga tingin ko nang may matamis na ngiti sa labi.

"Bakit hindi n'yo na lang ako lapitan at tanungin? Nagpapakahirap pa kayong lumingon sa akin at sa kausap ninyo para magbulungan, andito naman ako." Nilakasan ko ang pagsigaw kaya natahimik sila at napaiwas ng tingin. Kung pagbabasagin ko kaya mga mukha nila 'no? Joke.

Inikot ko ulit ang tingin ko at nakita kong wala na ni isang tumingin ulit sa gawi ko. Humalukipkip ako at umismid. Kung hindi pa pariringgan, e.

"Bobo rin ng mga 'to, e. Binigyan na nga ng permiso saka pa umiwas ng tingin. Alam ninyo? Mga pakyu kayo!" Kita ko naman na nagsilakihan ang mata ng iba, sana maging permanent iyan. Pero wala na ulit tumingin sa akin at nagpatuloy na sila sa mga boring nilang buhay.

Bagong bulungan na naman. Nakakairita! Para silang mga bubuyog. Bwisit! May narinig akong:

"Hala nandito si DA?!"
"Si DA ba 'yon?"
"Shet, ampogi niya talaga!"

Hindi na ako nag-angat ng tingin. I heard about DA. I heard na pogi raw 'yon and stuff but I didn't care at all. Malay ko ba sa kaniya, for sure hinayupak din 'yon na mayabang. He sure spends his parents' money para maipagyabang. Tsk. Hindi na dapat pinag-aaksayahan ng oras ang ganong mga tao.

Satisfied akong kumakain ng carbonara nang biglang may umupo sa harap ko kasabay na naman ng katahimikan ng lahat. Deja vu? Agad akong napaangat ng tingin.

Not a Wall BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon