sa panahon ngayon halos yata lahat eh nagpapaganda na
kapag nakita ka ng ibang tao ,hindi ka kagandahan,imbes kaibiganin sasabihan kapa nila
"ui andyan na pala si PANGIT.. tara alis na tayo baka mahawa pa tayo sa kapangitan niya"
ewan ko.
hindi ko nalang iniintindi kapag sinasabihan ako ng ganun
HI ako nga pala sa Jana
kilala sa aming lugar
bilang "popular dahil maganda? "
hindi ata mangyayari yun.
baka sa panaginip lang
dahil kahit bata, kahit matanda kilala ako bilang "ms.pangit"
ewan ko nga sa mga tao sa amin..
wala lang siguro silang mapag-ukulan ng ibang pansin
TRIP kumbaga
naiiisip ko din minsan kapag nag-iisa ako sa kwarto ko
o kaya tumitingin ako sa salamin
hindi naman kapangitan ang nanay ko
hindi rin naman kapangitan ang tatay ko
talaga lang na hindi sila masasabing gwapo't maganda
may mga itsura naman lahat ng mga kapatid
pero bakit ganun?
sinasabi nilang pangit ako?!
hayyyyyyy.
pinapagaan na lang ng nanay ko ang loob ko minsan
"anak huwag mo silang intindihin... inggit lang sila sa ganda mo
iba kasi at ikaw lang ang mayroon niyan"
sagot ko.
"Nay naman eh. "
kapag nga lalabas ako ng bahay namin at bibili lang sa tindahan
ayun ! ang mga tambay doon. sasabihin sakin
tambay 1: "ayan na si ms. pangit. may dala ba kayong payong?"
tambay2: "bakit pre?"
tambay3 : "umuulan kasi ng kapangitan dito!!!!! "
sabay tawanan na nila
at ako naman ito. dedma ,, diretso sa tindahan
animo'y walang naririnig sa paligid pero sa loob-loob ko
parang tinusok ang puso ko ng ilang beses ng bakal
OUTCH
mabuti na lamang at nandyan ang mga kaibigan kong nagtatanggol sa akin lage
yan sina Carla,Marta,Josephine at Toni
Carla: "Hoy mga asungot kayo !!! lumayas nga kayo dito sa harapan namin ....
kung wala kayong maitutulong, umalis nalang kayo."
Marta: " Ou nga, alam niyo mas masahol pa sa puwet ng kaldero mga pagmumuka niyo...
Sige LAYAS!"
Tambay:" haha. may pangit na nga dito dumagdag pa ang mga kaibigan niyang pangit din..
HAHAHA.para kamo kayong...TINGKY WINGKY ...bleeeeeh!"
MARTA :"Aba! sumosobra na kayo ah! halika dito at mapraktisan ko ng karate ...
HAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH !
SABAY takbo ng mga asungot.
MARTA:"HAHA.mga duwag pala iyon eh.! "
Jana:"maraming salamat .ayan nadagdagan na naman ang utang ko sa inyo
ui marta. totoo bang marunong kang magkarate?"
marta :"Ai. jowk lang yun... panakot ko lang yun sa mga kumag na yun :) "
Jana:" OH siya ..tara na at ililibre ko na lang kayo..TARA ! "
TARA !