hindi ko namalayan malapit na pala ang pasukan
lagi kasi akong nasa bahay
at wala din namang mababago kada unang araw ng pasukan
anu pa nga ba?
isipin mu nga ?
eh di nandyan na naman ang mga manlalait
magtatawanan
magbubully
at manininira ng araw ko
haaaayyy.
bahala na si BATMAN :)
#HOPING
--> first day of school
akalain mo yun.
4th yr na ako .. kaso ganun padin eh
biglang tumunog ang doorbell ng bahay namin
andyan na ang mga kaibigan ko
sabay-sabay kaming papasok... tulad ng dati xD
"Ui Jana.. asan kana ba???! bilisan mo at mahuhuli na tayo sa skul"
"Jana anak.. nasa labas na ang mga kaibigan mo..bilisan mo na"
OPO nay..
"Hay salamat..lumabas ka din Jana.tara na.! "
unang araw palang ng pasukan at ang dami ng tao sa terminal ng jeep
swerte mo nalang kung makakasakay ka agad sa jeep.
kaya dapat maaga palang andito kana..
DISKARTE nalang yan :D
"Ayan Jana. hindi tayo tuloy makasakay. ang bagal mo kasi. ang dami nating kalaban ngayon"
"Malamang. 1st day eh."
nagtawanan na lamang kami.
may isang jeepney driver na sumigaw sa amin
driver : "Hoy mga madadaldal na babaeng hindi kagandahan.
kung tapos na kayong dumakdak
diyan.. tumabi kayo sa gilid ng kalsada.. mabangga kopa kayo eh ..kasalanan kopa !
eh kung magaganda lang kayo... walang problema ! HAHA. "
sumagot si marta
"Hoy kuya..dumiretso kana nga...kapag ako gumanda,, hindi kita papansinin
MAGLAWAY ka dyan. :D "
driver: "ASA MO PA ....AHAHAHA"
pumara nalang ako ng ibang jeep
"Manong ! para ! sasakay kami
driver:" ay. puno na. sa iba nlang"
kahit hindi naman puno ang jeep niya.
hay naku...nakakainis ang mga taong ganyan
hayaan muna..hindi lang naman siya ang may jeep na pwedeng sakyan
6:30 am
mga 10 jeep na ang dumaan wala parin kaming masakyan
kaya naglakad nalang kami
ok lang. masaya namang maglakad na may halong kwentuhan
hindi mo mararamdaman ang pagod
naglakad nga kami..medyo bato-bato at maputik ang daan
dahil umulan kagabi
kaya ingat-ingat din kami sa paglalakad para hindi madumihan ang mga uniform namin
kaso..
kambal ang KAMALASAN
dumaan ang isang jeep..
dumaan sa maputik na daan kung saan naglalakad kami
SLLLLPPPPPASSSSSH !
talsik sa akin ang mga putik
ang masakit dun maliban sa marumi na ang uniform ko
hindi man lang bumaba ang driver para humingi ng sorry sakin
sinabihan pa ako .
"Hindi kasi natingin sa dinadaanan.
MALAS MO INENG "
HAY NAKU.
BWISIT.. 1st day na 1st day ng pasukan ganito
kahit marumi na ang uniform ko
dumiresto parin kami papunta sa eskwelahan namin para pumasok
eh wala ng magagawa eh.
GANUN TALAGA.MALAS NGA :(