Prologue

24 3 0
                                    

Irish

Nakatulala lang ako sa isang bakanteng kwarto dito sa apartment ng bestfriend ko. Isang oras na siguro ako ditong nakatayo habang suot ko ang blue long gown ko.Muka akong ewan dito na naghihintay sa isang taong alam kong never naman ng babalik.

Kasal ngayon ni mama kay tito Louie na step father ko na ngayon habang kakamatay pa lang ni papa last 3 months. Grabe noh? Bilis magmove on. Isang patak ng luha ang naramdaman kong tumutulo na di nagtagal ay nagsunod sunod na dumadampi sa mukha ko. Isang mahinang hikbi ang lumabas sa aking labi.

Napangiti ako ng mapait. Bakit ba kahit bestfriend ko iniwan ako ng hindi nagpapaalam? Isang linggo na ng huli kong nakita si Kaze, ang nagiisa kong kaibigan at bestfriend simula pagkabata. Wala na dito ang mga gamit nya at ang sabi ng mga kapitbahay niya ay wala silang kilalang Kaze. Bakit ba ako umaasa na babalik ka pa eh lahat naman iniiwan ako?

Napaupo ako at unti unting humagulhol dahil sa naisip ko. Great! Sana hindi na lang ako nandito sa mundong to! Kung kailan kita kailangan saka mo naman ako iniwan. Parang si papa lang,pagkagising ko sya naman yung natulog ng panghabambuhay. I was just 10 years old that time ng magising ako from a 2 year comatose. I had a memory loss but my dad helped me to know my life again together with Kaze. He said na magkakilala na kami before I had my comatose. But after I remembered how much I loved my dad, he left me. Parang pinaalala nya lang sakin kung gaano ko sya kamahal para saktan. I hate this cruel world!

Biglang nagring ang phone ko. I looked at it and see my mother's name. I declined it but recieve a text from her.

Mom: Hon, I need you here. Please comeback. Love you always hon. You'll always be my dearest daughter forever. No one can replace you.

Huh, I've already been replaced mom. binalik ko na ang phone ko sa pouch and shed my tears. For the last time, I roamed my eyes on this room. I closed the door with force para mailabas ang sakit na nararamdaman ko at maiwan sa kwartong to. Ngunit bago ko pa mailock ang pinto ay biglang may bumagsak na kung ano sa loob ng kwarto kaya tiningnan ko ulit ito. I saw a small box. I also saw the wall na parang may maliit na pintong nabuksan. Parang itinago talaga ang box sa loob ng dingding. Ibinaba ko ang box sa may bintana upang magsilbing liwanag ang sikat ng araw at saka umupo.Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang cd at maliit na laptop. Kaze and I raeally love mysterious things and adventures. Kaya di na rin nakapagtataka na may secret compartment sa kwarto nya.

Pinasak ko ang cd sa mini laptop at binuksan ito. Parang isang dvd player ito ngunit mini laptop ang nakalagay sa box. Inopen ko ang files ngunit walang laman. Anong meron dito?

I know something was off. Nakakapagtaka na itatago ito ngunit wala naman kalaman laman.Alam kong merong file dito pero nasaan?

Tinanggal ko ang cd at tingnan ito. Isa lang itong simpleng cd .Walang nakasulat kundi tong maliit na mensahe na pumapalibot sa gilid ng cd.

PUT THE WORLD UPSIDE DOWN.

Yan yung message na nakalagay and I don't understand anything. Feeling frustrated, ibinaba ko muna ang cd sa tabi ko at tiningnan ang mini laptop. Nothing suspicious. Blank as hell!

Kukunin ko na ulit sana ang cd ng mapansin kong naarawan ito. The cd reflect the image of the world. Makikita sa mismong cd ang imahe ng mundo. Shocks! Dali dali kong kinuha ang cd at binaligtad ito saka ipinasak sa mini laptop. There I saw a folder. A folder that send chills all over my body.

A folder named, Parallel universe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon