Chapter 2

5 0 0
                                    

Second day na ng school at kasama ko na naman yung lima tsaka si Kate. Magkakatabi kaming pito dito sa tambayan nila sa canteen break kasi namin kaya nandito kami eto ako ngayon nabibingi na sakanila dito kasi ang kukulit nila parang mga bata. "Hayy ano ba 'yan tignan niyo yung mga babae. Pinagnanasahan yung napaka-gwapo kong mukha hayy grabe." Di naman siya confident eh nuh? Binatukan tuloy ni David si Carl. Yan tuloy HAHAHAHA!
"Libre naman mangarap eh. Umasa ka lang diyan ng umasa pero wala man mangyayare." Natawa ako sa sinabi ni David ang kulit kasi nila eh. "Uy wag kang ganyan tignan mo si Amber tumatawa SPG pinapakita mo eh nananakit ka ng bata sayo. Palibhasa matanda na kaya ayan. Baka mamaya niyan atakihin ka ng rayuma mo sige ka" tinignan naman ako ni David kaya tumigil ako sa pagtawa kaso yung apat naman yung tumawa. Binato naman ng towel ni David si Carl "months lang naman tanda ko sayo kaya wag kang ano diyan. Tsaka mas gwapo ako sayo kaya itigil mo na din pangangarap mo." Binato naman ni Andrew silang dalawa ng bote pero naka-iwas si Carl kaya si David lang natamaan. "Ouch!! Ano bang problema mo drew?! Buti nalang di nasira gwapo kong mukha" Sabi niya habang tinitignan yung mukha niya sa salamin tapos tumingin ng masama kay Andrew. "Ang gulo niyo kasi eh nandito lang naman yung totoong gwapo saatin." Wow! Nakisali pa siya akala ko ititigil na niya makikisali pa pala siya. Bigla naman hinawakan ni Zack mukha ni Andrew parang may chine-check siya, buhay pa pala toh HAHAHAHAHA kanina pa kasi siya naglalaro sa tablet niya eh kaya di ko siya gaano napansin. "Kadiri ka naman Andrew! Pare-parehas lang kayong panget eh 'di niyo ba alam? Ako lang naman ang pinaka-gwapo satin kaya wag na kayong umasa." Sabi niya sabay bitaw sa mukha ni Andrew. Mga sira-ulo din sila eh nuh? Eh pare-pareho lang silang nangangarap. Binato naman ni James si Zack ng tissue kaya napatingin silang apat sakanya.
"Itigil niyo na nga yan..." buti naman mananahimik na din sila yes! "Nung pinanganak lang ako nauso ang salitang gwapo kaya please lang itigil niyo na yang ilusyon ninyo.okey?" What?!! Akala ko pa naman ititigil niya na 'tong asaran na 'toh yun pala makikisama din siya.
"Tumigil na nga kayo diyan ang ingay-ingay niyo eh. Di kayo mahiya sa sarili ninyo!" sigaw ni Kate yan kasi... ang ingay ninyo eh yan tuloy. Nanahimik naman yung lima parang mga maamong tuta ngayon eh kanina para silang toro na nag-uusok yung ilong dahil sa asaran nila.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ng tumunog yung bell.
Papunta na kami sa next class namin, habang naglalakad pinagtitinginan kami yung iba kinikilig yung iba sakin nakatingin ang sama pa ng tingin nila. Bakit ba? May ginawa ba ako? Kahapon pa sila ganyan ah.
Napatingin naman ako kay James nakatingin din pala siya saakin kaya
nag-smile ako. "Hayaan mo nalang sila... wag mong pansinin mga tingin nila sayo nai-inggit lang sila sayo." Ha? Ano daw? Naiinggit? Bakit naman?
"Bakit naman sila mai-inggit?" Di ko kasi alam kung bakit eh
"Kasi kasama mo kami. Kami kasi yung pinaka sikat dito sa school kaya ganyan sila sa mga babaeng lumalapit saamin." Eh di sila ng sikat tsaka 'di naman ako lumapit sakanila tsaka friends kaya kaming lima psh! "Ahhh okey. Ganyan pala sila." Sabi ko nalang wala na akong alam sabihin eh.
Nang makarating kami sa room pinagtitinginan na naman kami nanahimik sila bigla tas yung iba ang sama ng tingin sakin di ko nalang pinansin kasi wala naman akong ginagawa eh.

Pumasok na din yung teacher namin tapos nag-discuss. Bigla naman ako kinalbit ni David "bakit?" Tanong ko

"Ahmm... di ko kasi makita yun ano nakasulat?" Sabay turo dun sa board. Malabo ba mata niya? Sinabi ko sakanya yung tinuturo niya tsaka ako bumalik sa sinusulat ko. "Thank you" napatingin naman ako sakanya pero nagsusulat din siya "malabo ba mata mo david?" Napatingin naman siya sakin "ahhh ehhh slight hehehe." Tumango nalang ako.

After magdiscuss ni sir umalis na din siya kaya nag-decide akong pumunta muna sa locker ko kasi papasok na din next teacher namin niyan eh. Papunta akong locker ko ng may biglang humila saaking babae. Ano ba problema neto? "Sino ka?" Pero di siya umimik. Maganda siya, sexy, matangos ilong tsaka morena. Bigla naman niya akong binalibag sa sahig arayy! Ang sakit nun ahh! "Di mo ba ako nakikilala?" Tanong niya sabay taas ng kilay. Tatanungin ko ba siya kung kilala ko siya? Ewan din tanong niya eh nuh? "Hindi. Tsaka magtatanong ba ako sayo kung sino ka kung kilala kita?" Nainis naman siya sa sinabi ko lagot nako! Totoo naman kasi eh. "Ako si Jade. Jade Peter ang pinaka sikat at tinitingala ng lahat" wow? Edi siya na kasing sikat nakakainis naman 'tong babaeng 'to. "Ano kelangan mo sakin?"

Five Lovers Of MineWhere stories live. Discover now