"Waaaa!!!"
"Waaaa!"
Napa-upo ako sa kama ko pa-panaginip lang pala! Kinabahan ako dun ah hayy-_-
Bigla bumukas yung pinto nakita ko si mommy and daddy."Anong nangyare? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni mommy halatang nag-aalala siya dahil sa itsura niya ngayon.
"Ayos lang po ako nanaginip lang po ako" with matching smile on my face para mapakita kong ayos lang talaga ako.
"Bina-ngungot ka lang siguro princess... okay ka na ba talaga? Gusto mo bang samahan ka namin sa pagtulog?" Seryoso? Ang laki-laki ko ng tao tatabihan pa nila ako sa pagtulog? "Ayos lang dad... ang laki laki ko na eh HAHAHAHA!" Natawa din si mommy akala mo naman kasi baby pa ako para tabihan hahahahaha!
"Osige go back to sleep now baby, 4 na oh" sabi naman ni mommy tumango naman ako tsaka nila ako kiniss sa noo at lumabas na.
Paano na ako makakatulog neto? Ehh ang sama ng napaginipan ko eh parang totoo hayy nako... makapag browse na nga lang di na kasi ako makatulog eh.
Tinignan ko yung hotline chickas...
Scroll down..
Scroll down..
Nanlaki yung mata ko sa nakita ko, totoo ba 'toh?! Bakit ako tsaka si James yung nasa picture?? Mabasa nga yung nakalagay.
'Isang babae kasama ang isa sa pinaka sikat na lalaki sa Valiants University Foundation, na kilala bilang James Sanchez. Babae feel na feel ang moment, hindi naman kagandahan.'
Wow! Wow lang! Grabe! Anong feel na feel? Tsaka alam ko namang di ako kagandahan noh! Simple lang kasi ako. Kung sino man nagpost neto sana matapilok bukas habang naglalakad-.-
'Grabe ang feelingera naman ni ate!'
'Kainis naman sana ako nalang kasama ni James'
'Humanda saakin 'yang babaeng 'yan'
'Ang landi naman ni ate gurl'Ouch. Hindi naman nila alam nangyare kung makapagsalita sila akala mo sila yung nasa sitwasyon ko. Hindi ako feelingera at hinding hindi ako magiging malandi! Ang sakit naman ng mga pinagsasabi nila porket kasama ko si James? Kainis naman. Hahayaan ko nalang sila tutal wala naman silang alam sa nangyare eh.
Pinatay ko na yung phone ko at pumikit, pipilitin ko nalang makatulog para di ako aantukin mamaya.
~~~~~krinnnggg!~~~~~
Ano ba yan parang wala pang 10 minutes pagtulog ko ah? Sabagay 1 hour lang ako nakatulog ulit.
"Our princess wake up, baka malate ka na niyan" hala? Saan nanggaling si mommy? Bigla bigla sumusulpot eh di ko man nga napansin na pumasok ng kwarto ko si mommy. "Saan kayo nanggaling mom? Di ko man napansin na pumasok kayo eh" saad ko tapos ngumiti si mommy
"Kanina pa ako nandito nak tulog ka palang, kaya bumangon kana diyan kasi aayusan pa kita" habang hinihila ako patayo. Aayusan? Saan naman kami pupunta eh may pasok ako ngayon eh.
"What do you mean mom?? I have a class later." Umupo naman si mommy sa kama ko
"I just want you to look good when you go to your school. Bumabawi lang naman ako baby girl" ahhh... kaya pala...
"But mom... i don't need to look good inside the school, i'm just going to study there." Sinamaan naman ako ng tingin ni mommy ano 'toh? Sapilitan? Huhuhu
"Okay... i'm just going to take a bath" sabi ko kaya sobrang lawak ng ngiti ni mommy at pumalakpak pa.
"Hurry up... baka malate ka pa" tumango naman ako at dumeretso na sa CR.
YOU ARE READING
Five Lovers Of Mine
RomanceSabi ng iba unusual daw ung sobrang close ng babae at lalaki in short bestfriends. I met this guys not just two... Three... But five guys... They're so nice and di nagtagal naging mag bestfriends kaming lima. Pero... what if they began falling in...