First and Last Chapter

34 6 0
                                    

Jace's Point of view



"Kuya oh ganda ni Jowana" Sabi ni Jefferson. Kaklase ko si Jowana at higit sa lahat simula pa noon may gusto na ako sa kaniya.



Oo maganda, may lahing Chinese. Parang dagdag lang 'yung ganda dahil ganda ng ugali talaga nagustuhan ko sa kaniya. Napaka pangit kaya niyan taena ta's nag glow up.



"Uy!" Tinapik naman ako ni Dye. Kaklase ko rin siya at siya ang isa sa mga pinsan ni Jowana. "HAHAHAHAHA hi Jefferson! Sinong tinitig--"



Mabilis ko namang tinakpan 'yung bibig ni Dye at nilayo siya sa kinaroroonan ni Jefferson. Taena talaga nitong babaeng 'to. Baka malaman pa ni Jefferson na may gusto ako kay Jowana.



"Ginagawa mo?" Iritadong sabi niya. Hindi lang alam nito na mas nakakairita 'yon. "Hindi ako makahinga r'un ahhh"



"Shhh... Hindi pwedeng malaman ni Jefferson na may gusto ako sa pinsan mo" Sabi ko naman. Siyempre pipiliin ko na ang kaligayahan ni Jefferson kaysa sa akin. Ako ang kuya rito. Gusto kong ibigay lahat sa kaniya taena, sa susunod na lang ako basta masaya siya.



"Asus daming dama! Sama ka mamaya sa akin, may swimming kami nila Jowana" Pag-aaya ni Dye. Gaano ko man kagusto, paano naman si Jefferson? Iisipin ko pa rin 'yung kapatid ko taena talaga! Siyempre masakit pero wala na akong magagawa r'un.



"Hindi naman malalim iniisip mo 'no?" Napatingin naman ako kay Dian na pinsan din nila ni Jowana at Dye. Silang dalawa ay kaklase ko rin na pinsan ni Jowana.



"Hays... Si Jefferson ang isama n'yo. May gusto kay Jowana 'yon" Sabi ko. Gusto ko sanang sabihin na ako ang isama n'yo dahil gusto ko naman talaga kaso ayoko rin namang masaktan 'yung kapatid ko kaya 'wag na lang.



Taena mo Jace!



"Paano feelings mo? Paano ka?" Isa pa 'tong Dian na 'to. Ginugulo rin madalas ang utak ko kaya sa mga panahong 'to nagdadalawang-isip ako. Pero 'di pwede, si Jefferson muna talaga.



"Huwag niyo akong intindihin. Si Jefferson na lang"



Sa totoo lang sa mga panahong 'to nililigawan na ni Jefferson si Jowana. Wala naman akong magagawa kung hindi ang tulungan ang kapatid ko. Doon siya masaya taena naman.



"Masaya si Jefferson, paano ka?" Napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Dye. May point siya pero uunahin ko na lang talaga 'yung kapatid ko.

A Matchmaker Or A Troublemaker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon