2

12 1 0
                                    




Napaka dilim na lugar ang aking tinatahak ngayon liwanag lamang ng buan ang nag sisilbing ilaw sa munting daang aking tinatahak ngunit saan ako papunta ? Tila nawawala ako lumingon ako upang mag hanap ng matutuluyan pansamantala ngayong gabi

"Anung lugar ito?"

Pabulong kung sinabi saakeng sarili anung lugar ngaba ito ? Patuloy ako saakeng pag lalakad

Baryo manlaban

Ito ang naka sulat sa sirang karatula ngunit nababasa pa ito nasaan ako ? 









"Rowena ! Rowena anu ba malalate ka na !"

Teka sandali anung ingay iyon minulat ko ang aking

"Tiya rosing naman sandali inaantok pa po ako "

"Hala eh! Iha  bumangon kana riyan unang araw ng pasukan sa inyong paaralan kaya bangon na "

"Tiya rosing pwede naman pong ma late sa unang araw——arrrayyy masakit po!"

Patuloy ang pag kurot niya sa aking tagiliran kaya agad akong napa bangon

"Hoy rowena bata ka talaga maligo kana para maka sabay kana sa tiyo oscar mo papuntang baryo ng di ka mahirapan!"

"Oo na po ! "

Nag lakad na akong papuntang banyo upang maligo  pag pasok ko walang laman ang mga timba paano ako maliligo napa bulong nalang ako sa hangin malayo kasi ang pag kukukunan ng tubig  kaya mahihirapan nanaman ako nito

"Tiya mag iigib lang po ako ng panligo"

"Sige bilisan mo lang rowena baka tumambay ka nanaman kina regelito"

Kinuha ko na ang mga timba at nag lakad palabas ng bahay 
Oo nga pala si tiya rosing ang kumupkop saaken noong bata pa ako ang kwento niya natagpuan daw ako ni tiyo oscar sa balon ng laura naawa raw sila kaya di nag atubiling alagaan ako nag papasalamat naman ako sakanila sa pag aaruga saaken 

"Arayyyy"

May nahulog kasing bongga ng mangga at natamaan ang paa ko

"Uyy rowena andyan ka pala pasensya kana"

Tumingin ako sa taas sa boses palang alam ko na kung sinu ito

"Hoy regelito ! Bumaba ka nga rito  at kukutusan kita !"

Siya naman si regelito kababata ko nag tatrabaho siya sa isang coprahan sabay kaming lumaki kaya sanay na ako sa mga gawain niya

"Pasensya na pero dahil tinawag mo nanaman akong regelito papaulanan kita ng mangga !"

Aba baliw talaga to si regelito agad naman akong umiwas sa mga nag huhulugang mangga

"Aba regelito pag ako nasaktan malalagot ka sa tiyo oscar ko!"

Buti naman at tumigil na kaya tumakbo ako papasok sa kagubatan sa gitna kasi ng gubat ay ang balon ng laura kung saan kumukuha kami ng tubig

"Teka rowena sasama ako sayo mag iigib din ako "

"Ang bagal mo humabol ka nalang !"

"Rowena anu nga pala ang plano mo sa darating mong kaarawan ganap kanang dalaga "

"Di ko pa alam regel mag hahain nalang siguro ng pag kain si tiya rosing"

"Ganun ba gusto ko sanang anyayahan ka mamasyal tayo sa iyong kaarawan makukuha ko na din naman ang sahod ko sa coprahan "

"Naku ! Nag abala kapa regel wag na ipunin mo nalang para makapag aral ka "

"Oo nga pala ngayon ang unang araw ng pasukan ninyo "

Chase by dream Where stories live. Discover now