Liwanag ang dumadampi sa aking mukha na kadahilanan ng unting unting pag mulat nang aking mata umaga na pala dahan dahan kung minulat ang aking mata"Kakaiba ang panaginip na iyon"
Napa bulong ako sa aking sarili habang nag uunat unat
"Rowena gising kana pala mag handa kana at sumabay kana sa tiyo mo papuntang bayan "
"Opo tiya rosing"
Buti nalang at maagang nag igib ng tubig si tiyo oo nga pala panaginip ko pala ang balon ng laura mukhang totoo iyong nangyari bakit kaya iyon ang panaginip ko
Binilisan ko ang aking paliligo baka maiwan ako ni tiyo maya maya't natapos na mabilis rin akong nag suot nang unipormi ng aming paaralan"Naku rowena buti nga at napag aral ka namen ng iyong tiyo hanggang koleheyo"
Lumapit ako kay tiya at niyakap ito
"Maraming salamat tiya rosing sa pag mamahal na binibigay mo saaken "
"Ala eh sige na bilisan muna't kanina pa nag aantay sayo ang tiyo mo "
"Sige po mauna na po kami tiya "
Nag lakad na ako papalabas ng bahay bakas na ang liwanag ng araw kaya tamang tama lamang ang aking pag pasok nakita ko naman si tiyo na inaayos ang kanyang tricycle
"Tiyo andito na po ako "
Sabay ang pag kaway ko ng aking kamay
"O andyan kana pala rowena tayo na't baka malate kapa malayo pa naman ang bayan "
Sumakay na ako sa tricycle ng aking tiyo buti nalang sa sipag ng aking tiya at tiyo nag karoon kami ng sariling tricycle ng di na nahihirapan minsan kasi nag lalakad ako papuntang bayan inaabot ito ng isa't kalahating oras kapag nag lalakad nasa dulo kasi ng kagubatan ang aming bahay kaya medyo malayo sa bayan
"Rowena anung oras ba ang labasan ninyo mamaya't ng masundo kita ?"
"Naku tiyo wag na po umuwi ka nalang ng maaga para maka pag pahinga ka kasama ko naman mamaya si regel kasi may trabaho sya sa coprahan dadaanan ko nalang po "
"Sige rowena wag kang mag papagabi at mag aalala nanaman saiyo ang iyong tiya rosing"
"Opo tiyo "
Malayo layo pa kami sa bayan kaya inayos ko muna ang gusot gusot kung unipormi at ang bag kung gawa ng aking tiya rosing na gawa sa banig na abaka inaantok pa ako kaya sumandal muna ako sa bakal para maka idlip malayo layo pa kaya pang matulog
"Miss miss"
Tawag saaken ng binata na naka tayo sa dilim pilit kung tinitignan ang kanyang mukha ngunit hindi ko magawa dahil sa malabo ito tila ba'y natatakpan ito ng kung anu
"Sinu ka ? Anung ginagawa mo rito?"
Tanong ko sakanya ngunit hindi ko parin makita ang mukha nito malabo ito at kahit anung gawin ko'y di makita ang mukha maganda ang pa ngangatawan at matangkad
"Naliliga..."
"Naku naman na batang ito tulog na tulog na, ala eh rowena ika'y gumising na !"
Sabay ang pag alog nito sa akeng katawan nag mulat agad ako ng aking mata mahimbing na pala ang aking pag kakatulog
"Ay tiyo gising na po ako pasensya na po tiyo"
"O sya andito na tayo bilisan muna at baka mahuli ka "
"Sige po mauna na po ako tiyo maraming salamat sa pag hatid"