[Wedding Dress]

17 2 8
                                    


J A C K

"Dude. Okay lang ba ako?" tanong sa'kin ni Theo habang nakatingin sa salamin.

"Ba't mo sa'kin tinatanong? Ako ba ikaw?" birong sagot ko at tumawa naman ito.

"Kinakabahan ako." sabi nito at pinag-lapat ang dalawang palad at pinagkiskis. Napatawa naman ako sa kan'ya.

Ako 'rin. Gago ka kasi eh.

"Para namang tatakasan ka 'nun. Kita mo ngang mahal na mahal ka 'nun." sabi ko at hinampas ang likod nito.

Napatigil kami sa pag-uusap nang pumasok ang organizer sa kuwarto at sinabihan kaming aalis na.

Nasa bahay niya kami ngayon, tapos na sa pag-aayos niya.

Tumango kaming dalawa at ginawa muna ang hand-shake namin bago nilisan ang lugar at nagtawanan.

I hope this will last.

[Church]

Putangina nakakainis na talaga itong lalaking ito, parang tanga.

"Ano ba dude, nakakairita ka na ha. Pupunta 'yun." iritang sabi ko, pano ba naman galaw kasi ng galaw.

Pero sana hindi nalang siya pumunta.

Napailing ako sa naisip, punyeta ka Jack tumigil ka nga.

Nasa altar na kami ng simbahan ngayon, hinihintay nalang namin ang bride. Ako naman ang groom's men.

"Jack, paano kung hindi siya sumipot?" tanong na naman niya.

Sana nga hindi.

Napangiwi ako sa naisip at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Puta, ansakit ng puso ko. Tangina.

"Pupunta 'yun! Pakamatay ka nalang pag hindi." biro ko at sinamaan naman ako nito ng tingin, napatawa ako at napahawak sa tiyan, tangina LT.

"The bride is here!" sigaw ng organizer at nagsi-upuan naman ang mga guest.

Putangina kinakabahan ako, dapat hindi ka nalang dumating eh.

Napahawak ako ng palihim sa dibdib ko, putangina kumalma ka. Kaya mo 'yan natiis mo nga ilang taon eh.

Nagsimula nang ipatugtog ang Wedding March at nagsilakad na ang mga kaibigan, kamag-anak ni Theo at niya.

Nang matapos nang maglakad ang iba ay siya naman.

Napatingin ako sa tabi ko at tinignan si Theo, namumula na ito at alam kong nagpipigil lang ito ng luha.

Napatingin naman ako sa aisle at tinitigan siyang naka-kapit ang mga braso sa mga magulang, habang dahan-dahang naglalakad.

'Wag ka nang umabot please. Please Laurice, no.

Napahawak naman ako sa pisngi ko at hindi ko namalayang lumuha na pala ako, patago ko itong pinunasan.

My heart is so broke.

Lahat sila nakatingin sa kaniya at pinagmamasdan ang kaniyang kagandahan... Puta.

Nang makalapit sila ay binigay naman ng tatay niya ang palad niya kay Theo. Puta ansakit sa mata.

Gusto ko nalang hawakan ang dulo ng dress niya at hilahin iyon papalabas ng simbahan na ito.

Puta kung puwede nga lang din magmura ako ngayon kaso nakalimutan ko nasa harap kami ng altar.

May sinabi yung tatay niya kay Theo, "Ingatan mo ang anak ko, kung hindi mawawalan ka ng kinabukasan."

Pilit na ngumiti lang si Theo at inalalayan na ang soon-to-be-bride niya papunta sa harap ng pari. Tangina, wala na hahaha. Wala na talaga akong pag-asa. Naglakad na ako paupo sa harap.

Puta kitang-kita ko kung paano lumuha si Theo at siya. Ayaw kong banggitin ang pangalan niya kahit sa isip ko dahil...

Masakit.

Masakit dahil siya ang pakakasalan ng matagal ko nang kaibigan at palihim na minamahal, ngayon pinapalaya ko na siya sa puso ko.

Nagsimula na silang magsalita ng vows para sa isa't-isa.

"You may now, kiss the bride." naghiyawan na ang mga tao rito nang hinalikan niya na nga siya...

Alam ko, mali ang mahalin ang kaibigan kong si Theo pero sa love, wala itong pinipiling gender, age, relasyon.

I loved him since the day we vowed to each other not to leave each others side until the end.

Naglakad na ako palabas duon at napalingon muli sa kaniya, sa kanila. I saw how he lovingly set his eyes on her, i saw how much he loves her.

Sapat na iyon para malaman kong masaya siya, tutal 'yun naman ang mahalaga diba?

I smiled bitterly and continued walking. Away from them. My chest hurts every damn seconds that i can't breath properly with them around me, i can't bear it.

Love is fair, but sometimes it isn't. I just stared at his wife's wedding dress from afar and tears suddenly fall from my eyes and i smiled.

I can't help but imagined wearing that too and i rolled my eyes, i'm more beautiful than her. Duh.

(718 ᴡᴏʀᴅs! ʜᴜᴇʜᴜᴇ ᴘᴡᴇᴅᴇ ɴᴀ.)

Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon