NATALIE
Ang kapatid ko ay palaging galit. Simula nang mag fourth year high school ako, palagi niya nalang akong inaaway. Hindi ko siya maintindihan, hindi kasi siya ganito dati.
"Hoy! Saan ka nanaman pupunta?" kapag lalabas ako nang bahay, ito ang pambaon niyang mga salita
"Ano nanaman ba ang kailangan mo?" kapag tinatawag ko siya agad niya akong sisinghalan.
"Labhan mo nga ang iyong mga damit!" kapag wala akong ginagawa sa bahay pinapapalaba niya sa akin ang aking mga damit. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil pinalilinis niya ang mga damit ko. Sinasabihan niya kasi ako niyan kahit isang shorts, t-shirt, at underwears lang ang maduming damit ko.
"Maglinis ka nga, ang dumi ng kwarto mo!" Palilinisin niya ako kahit bago lang ako naglinis.
Dati sinisigawan ko rin siya pero nakakasawa kasi kaya hindi ko nalang siya pinapansin.
At, pauwi nanaman ako sa aming bahay. Katatapos ko palang magtake ng exam. Malapit na akong ga-graduate.
"Hoy! Bakit ngayon ka lang? Pinahintay mo pa talaga ako." Sigaw ng ate ko pagkapasok ko sa flower shop.
Simula nang mamatay ang aming mga magulang, iba't-ibang trabaho ang pinasukan ng aking ate para lang makapatayo ng tindahan at magbukas ng isang flower shop.
Araw-araw pagkatapos ng aking klase ay pinababantayan niya sa akin ang flower shop. Kahit hindi ako gaano kagaling sa flower arrangements ay nagiging bouquet pa rin naman siya.
"Hoy! Magluto ka na. Gutom na ako" Kakatapos ko lang mag close sa flower shop ay sa bahay naman ako magta-trabaho.
Natapos na rin ang araw ko. Pumasok ako sa aking kwarto at sinimulang magsulat sa aking diary.
Mama at Papa,
Miss ko na po kayo. Simula nang mawala kayo, wala na rin ang kasiyahan sa bahay na 'to. Palagi nalang akong sinisigawan ni ate. Hindi ko na siyang nakitang ngumiti sa akin. Hindi ko na din maalala kung kailan ang huli niyang pagkausap ng matino sa akin.
Malapit na akong ga-graduate! Hindi ko pa sinabihan si ate na ako ang batch Valedictorian namin. Wala naman sigurong pake 'yun. Haha
Nakapagdesisyon na po pala ako. Hindi ko na gusto maging architect. Wala namang silbi ang pagiging architect. Hindi ko gusto matulad sa ate.
Sige na ma, pa. Good night.
Nagdaan ang mga araw ay napapalapit na rin ang aking graduation. Ipinamigay na ng paaralan ang invitation letter sa mga parents at dahil ang aking ate ang aking legal guardian, dapat niya itong mapirmahan.
"Um ate, may kailangang pirmahan." Sabi ko sa kaniya at ibinigay ang letter.
"Ilagay mo jan" Sabi niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Ate ano kasi -- kailangan kasi ito ngayon."
"Bakit ba kasi ngayon mo pa pinapirmahan, ang taas ng oras mo kagabi."
![](https://img.wattpad.com/cover/146735631-288-k71512.jpg)
YOU ARE READING
CH 00
RandomThese are one shots of different genres from my imagination and experiences. Each story would at least have 1-5 chapters All rights reserved © 2018 No part of this work may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, incl...