MY BEST FRIEND, MY LOVER

4 0 0
                                    

It's so hard to pretend to be friends with someone special, when everytime you look at that person, all you see is everything you want to have.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(KEANA)

DIANNE: Miss President. Okay na ba to?

Napalingon ako kay Dianne na hawak hawak yung flower bouquet na iniutos kong i-arrange niya. Sinuri ko iyon at tiningnan nang mabuti.

KEANA: That's great. Ilagay mo na yan sa table.

DIANNE: Sige.

She smiled at me before she walked away.

Napatingin ako sa kabuuan ng aming classroom. All of us are very busy for preparing because it's our adviser's birthday today. At syempre, ako ang nagcoordinate ng party na ito dahil ako ang president ng section namin.

Since ako rin lang naman ang nagsuggest na magkaroon ng celebration, ako na rin yung nagvolunteer na gumastos kaya halos mabutas ang bulsa ko sa mga gastos dito sa room. Samantalang ang mga kaklase ko naman ang incharge sa pagde-decorate at pagluto ng mga pagkain.

JOERIC: Uyy pres, saan ko ba ilalagay itong mga regalo?

Problemadong tanong ni Joeric.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong medyo puno na nga ang classroom ng mga decorations. Agad naman akong nag-isip ng paraan kung paano isisiksik yung mga regalo.

KEANA: Uhmm........... ilagay mo na lang yan sa baba nung uupuan ni Ma'am Tin. Para makita niya agad.

JOERIC: Ahh sige sige. Salamat pres.

Ngiting saad niya.

Tiningnan ko silang lahat. Mukhang maayos na nga ang mga decorations at ang arrangement ng foods. Kaya naman pinaupo ko na silang lahat para maghanda sa pagdating ni ma'am.

KEANA: Settle down, guys and girls. Isuot niyo na rin iyang mga party hats niyo. Kennard, pumwesto ka na.

Agad namang tumango si Kennard nang maintindihan niya ang sinabi ko. Kinuha niya ang party poppers at saka nagtago siya sa may likod ng pinto. Parang ako pa yata ang kinakabahan sa gagawin namin.

Nang makapwesto na rin kaming lahat, saktong bumukas ang pinto at niluwa nun si Jarra at Ken na inaalalayan si ma'am Tin dahil nakasuot ito ng blindfold.

Pabulong akong nagbilang hanggang sa................

*pookk

''HAPPY BIRTHDAY MA'AM TIN!'', sabay sabay naming sigaw.

Nasapo ni ma'am ang kanyang bibig nang makita niya ang classroom na puno ng mga ballons at flowers. Mayroon ding mga yarn na nakasabit sa kisame kung saan makikita ang mga pictures niya.

Sinenyasan ko si Tanya at agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin. Dumilim ang paligid at mayroong isang spotlight ang nakatutok kay ma'am. Kasabay nun ang pagplay ng isang music.

(Now Playing: Can I Have This Dance?)

Isa-isang nilapitan ng mga lalaki si ma'am at inabutan ito ng red rose para sayawin. Parang debut lang ang peg eh.

Habang tumatagal ay tawa na kami ng tawa dahil sa kalokohan ni Tanya. Bigla niya kasing pinapalitan ng Careless Whisper ang tugtog at sinasakyan naman iyon ng mga lalaki dahil nag-aact pa sila na parang macho dancer.

Matapos ang cotillion segment ay nagbigay naman ang girls ng letters kay ma'am.

MA'AM TIN: Salamat sa inyo, class. Nag-abala pa talaga kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon