FIGHT FOR US

9 1 0
                                    

One of the hardest decisions you'll ever face in life is choosing whether to ''walk away'' or ''try harder''

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SUNNY: Bes, nandiyan na si Kiel.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Kiel na kasama ang mga kaibigan niya. Napaayos ako sa aking kinauupuan nang makita kong papalapit sila sa pwesto namin.

KIEL: Rhianne.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at ang paglapat ng kanyang labi sa aking noo.

JIGS: Hi Rhianne.

SID: Happy lunch time girls.

Nginitian ko lang siya at ang mga kaibigan niya. Sobrang nagi-guilty talaga ako. Dapat nagyon pa lang ay sinasabi ko na sa kanya yung tungkol kay Calix, pero di ko magawa.

RHIANNE: Tapos na ba ang laro niyo? Kumain na ba kayo?

Kanina kasi ay nakita ko silang naglalaro sa court. Tatawagin ko sana si Kiel para yayain maglunch kaso nakita kong nagsasaya pa siya kaya hinayaan ko na lang.

DERECK: Actually, kanina pa kami nagugutom eh. Baka naman................

Napa-iling na lang ako sa pambibitin ni Dereck. Halata namang gusto lang magpalibre eh ayaw pang diretsuhin.

RHIANNE: Oo na. Maupo na kayo diyan at bibili na kami.

Natawa nalang kami ni Sunny nang maghiyawan sila.

Tumayo na kaming dalawa para bumili ng pagkain. Habang naghihintay kami sa counter, hindi naiwasan ni Sunny na buksan ang topic na kanina lang ay kinukwento ko sa kanya.

SUNNY: So ano ng balak mo? Mas mabuti kung sasabihin mo kay Kiel bago niya pa malaman.

Tumingin ako sa paligid sa pagbabaka-sakaling may nakikinig sa aming usapan. Nakahinga ako ng maluwag bago harapin si Sunny.

RHIANNE: I have to talk to him first. But I won't tell him about the arrange marriage. Maybe, I will just............... break up with him.

Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib nang sabihin ko iyon. Kahit si Sunny ay halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

SUNNY: Rhianne, are you out of your mind?! Magwawala siya kapag ginawa mo yun. Gawan mo nalang ng paraan.

Mahina pero mariin niyang saad.

Naramdaman ko ang pagtutubig ng aking mga mata dahil sa sarili kong naisip.

I can't even imagine myself without Kiel. Where did I get the idea of breaking up with him? Nababaliw na nga yata talaga ako.

"Here's your order miss"

Nagkatinginan kami ni Sunny bago kunin yung dalawang tray.

SUNNY: Heto na yung pagkain niyo oh. Bayaran niyo mamaya yan ah.

Saad ni Sunny bago ipatong sa table yung inorder naming pagkain nila.

JAKE: Ayy. Akala ko pa naman libre.

Malungkot na saad ni Jake.

Nagbibiro lang naman yun si Sunny eh. Ako kaya ang gumastos ng lahat tapos siya ang maniningil?

KIEL: Tara, babe. Sumabay na kayo sa amin.

Pagyaya ni Kiel.

RHIANNE: H-huwag na. Tapos na kasi kaming kumain eh. Atsaka.......... m-may tatapusin pa kasi kaming report ni Sunny kaya kailangan na naming mauna.

ONE SHOT COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon