(My Boss is my Husband Part 2)

722 44 93
                                    

Marydale's POV

"Yup. Im Marydale "Maymay" Entrata-Barber" Nakangiting sabi ni Marydale kay Sharlene.

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga ng binanggit na ni Marydale ang kanyang buong pangalan.

"Maam, seryoso po? Totoo po ba yan? Di
naman po kayo nagbibiro diba Maam?" Manghang tanong ni Sharlene habang nanlalaki pa rin ang mga mata.

"Im not joking Sharlene. Mukha ba kong nagbibiro nung sinabi kong asawa ko si Edward?" Tanong naman pabalik ni Marydale kay Sharlene.

"Hala. Hindi po talaga kayo nagbibiro. Totoo po ang sinasabi niyo. Alam niyo po ba noon lagi namin kayong tinatanong kay Sir Edward kung kamusta na kayo kasi talagang gusto ka namin makita Miss Marydale tas malalaman ko na yung PA o isa pang secretary ni Sir Edward ay ang asawa niya" Nakangiting sabi ni Sharlene.

"Mahiyain kasi ako noon, ang tingin ko kasi hindi niyo ako gusto kaya hindi ako pumupunta dito" Paliwanag naman ni Marydale na nagpailing naman kay Sharlene.

"Hindi po totoo ang sinasabi niyo Miss Marydale sa totoo nga po gusto ka talaga naming makita na dumating pa sa point na sinundan pa namin si Sir Edward sa tuwing uuwi siya"

Natawa naman ng malakas si Mommy Cathy at Marydale sa sinabi ni Sharlene. Hindi inaakala ni Marydale na ganon siya kagustong makilala ng mga empleyado ng asawa niya.

"Grabe naman kayo Sharlene nagawa niyo talaga yon?" Tanong ni Mommy Cathy habang nagpipigil ng tawa.

"Opo, Maam Cathy nagawa po talaga namin yon. Curious na curious na po kasi talaga kami nung time na yon kay Miss Marydale kaya dati gumawa kami ng plano kung pano makikita si Miss Marydale at ang way lang po non ay ang sundan si Sir Edward sa bahay nila" Halos matawa tawang kwento ni Sharlene habang inaalala ang araw na ginawa nila ang kalokohan nila ay este ang kanilang plano pala.

"Pero isang araw. Nagulat nalang po kami kung bakit hindi na nagkwekwento tungkol sa inyo si Sir Edward" Kwento ni Sharlene na nagpahinto sa pagtawa nina Mommy Cathy at Marydale.

Sumeryoso ang mga mukha nila at tumingin ng diretso sa mata ni Sharlene at sinabi ang mga katagang ito. "Because my husband forgot me" Sabi ni Marydale na nagpaiwas ng pakikipagtitigan ni Sharlene sakanya.

"A---no h-----ooo??" Utal utal na tanong ni Sharlene kay Marydale.

"You want to know the truth Sharlene?" Seryosong tanong ni Marydale kay Sharlene.

Napatango nalang si Sharlene sa tanong ni Marydale. Simula kasi ng masabi ni Marydale ang mga katang. "Because my husband forgot me" ay lalo siyang tinamaan ng kuryosidad tungkol sa buhay ni Marydale at ni Sir Edward nila.

Napabuntong-hininga muna si Marydale bago magsimulang magkwento. Habang si Mommy Cathy naman ay nakatingin kay Marydale kung totoo ba ang sinasabi niya.

Napatango naman si Marydale kay Mommy Cathy.

Flashback.... (6 years ago)

Normal na sa pamilya ni Maymay ang magkaron ng arranged marriage dahil tradition na nila ito na nagmula sa pamilya nila.

And now Marydale is turning 18th kaya naman pinagkasundo na siya sa anak ng  business partner ng Daddy Hernan niya.

Masakit man para kay Marydale ang maikasal ng maaga ay gagawin niya nalang para sa mga magulang niya. Sino ba siya para suwayin ang tanging hiling ng mga magulang niya. Tsaka para sakanya ito na rin ang daan niya para magpasalamat sa pag-aalaga at pagmamahal ng magulang niya sakanya.

Dumaan ang ilang buwan ay nakilala niya na ang magpapangasawa niya at ito ay si Edward ang anak ng business partner ng tatay niya.

Sa unang kita niya palang sa binata ay nahumaling na siya. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang halos perpektong nilalang? Maputi, matangkad, mabait, may kissable lips, gwapo at higit sa lahat kamuka ng kanyang ultimate idol slash ultimate crush na si Enrique Gil.

Mayward One Shot Collection (Mayward Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon