KAPOS
Balat na wari'y bukid sa tagtuyot
Mga matang kakikitaan ng lungkot
Ito'y ang paslit na hindi makalimot
Siya'y bilanggo ng nakaraang masalimuot.
Ang paslit na ito'y naglakad, naglibot, naghanap
Upang makitang mundong kanyang pinapangarap
Ngunit hanging lapastangan ang tangi niyang nalanghap
At ito'y di lingid sa kanyang hinagap
Ang huni ng ibon ay di na niya marinig
Ang nais sabihin, di na maisatinig
Ang kanyang puso'y unti-unting nawawalan ng pintig
Siya'y ang musmos na niyurakan nitong ating daigdig
Ang puso niya'y naninimdim ng lubos
Pagkat sa kalinga't pag-irog ay sadyang kapos
Siya'y di na nag-isip at nagpadalos-dalos
Ang kanyang buhay, agad na niyang tinapos

BINABASA MO ANG
My Collection of Poems
PoesieKapag malungkot ako nakakapagsulat ako ng mga poems. Kaya naman sa kung gaano karami akong maiisulat dito, meaning ganun ako kadalas malungkot.