Kabanata 18

1.3K 46 0
                                    

What is love?
***

Hiraya's POV

"Aray! Dahan dahan naman, Hiraya,"

Mariin kong pinisil ang bulak na hawak. Gigil na gigil sa kanyang maamong mukha na mayroong maraming pasa.

"Ano ba kasi ang nangyari sa'yo, ah? Saan ka galing? Bakit hindi ka pumasok?" sunod-sunod na tanong ko habang nilalagyan ng betadine ang kanyang labi. Medyo malaki ang hiwa nu'n kaya kitang-kita talaga. Kakainis talaga 'tong si Maxrill. Kung anu-anong ginagawa sa buhay.

Tumawa siya ng mahina. Titig na titig sa akin ang dalawang mata. Sarap niyang kutusan. Naiirita ako. "Ano? Tatawa ka nalang, hindi sasagot?" mataray na dugtong ko.

"Chill, babe. Maliit lang naman 'to, hindi nakakabawas ng pogi poi—aray naman! Papatayin mo ba ako?"

"Oo! Buwesit ka!"

Iritado akong tumayo tsaka nilapitan ang basang bimpo sa lamesa. Nasa loob kami ngayon ng kwarto niya, dito ko naisipang gamutin ang sugat niya para hindi makita ni Mrs. Cynthia. Hanggang ngayon kasi ay naiinis padin ako sa sinabi niya. Alam ko namang hindi niya ako gusto pero sumusobra naman yata siya. Kung hindi dumating si Maxrill kanina baka dumapo na 'yong kamay niya sa pisnge ko. Galit na galit eh. Gusto ko lang naman ipaglaban ang sarili mula sa maling akusasyon niya sa akin.

Hindi siya nilapitan ni Maxrill bagkus hinila niya ako papasok sa kanilang mansyon. Gulat naman ang mukha ni Mrs. Cynthia, hindi inasahan ang ginawa ng anak. Umawang ang labi nito, hindi makapaniwala. Pumasok kami sa loob ng mansyon, hindi pinansin ang mga katulong na aligagang sumusunod sa kanya.

Mukhang nag-aalala rin. Lalo na ang mommy nito. Wala pa namang sinasanto si Ms. Cynthia pagdating kay Maxrill. Kaya niya akong walain sa isang iglap lang, pero asa naman siyang magpapaapi ako.

"Hoy, anong iniisip mo?"

Tiningnan ko siya. Hindi makapaniwala sa kanyang mukhang puno ng pasa. Sarap niyang bigwasan sa totoo lang. Mukhang wala naman siyang pakialam sa nangyari sa kanya, may lakas pa itong tumawa. Tuwang-tuwa sa mukha kong nag-aalala.

"Buwesit! Uuwi na ako."

"Ha? Mamaya na. Masakit pa ang mukha ko oh. Hindi ka ba naaawa?"

"Mukhang kaya mo naman. May gagawin pa ako, Maxrill. Babalik nalang ako bukas,"

Umiling siya. "Papasok ako bukas, Hiraya." Seryoso niyang sabi at tumayo. Mabuti nalang wala siyang natamong sakit o pasa sa katawan. Mukha niya lang ang napuruhan, ibang klase talaga. Hinayaan niya ang mukhang masaktan kaysa sa katawan.

Napabuntong hininga ako. "Huwag ka munang pumasok bukas. Kakausapin ko si Annalie, ipapahatid ko ang excuse letter mo."

Umarko ang kanyang kilay at tuluyan na ngang nakalapit sa akin. Napatingala ako dahil sa kanyang katawan na hanggang kilikili lang ako. Bagay nga sa kanya ang basketball, tangkad e.

"Don't leave yet, Hiraya. May sasabihin ako,"

"Ano 'yon?"

"Umupo ka nga muna. Hindi ka ba nangangalay sa kakatayo?"

Tinarayan ko siya saka padabog na umupo sa kanyang kama, samantalang siya ay nakatayo sa harapan. Seryoso na ang mukha.

Kakainis. Kahit may pasa ang mukha niya ang gwapo niya parin. Mukha siyang artista na galing sa action movies.

"About your land..."

Napaayos ako ng upo. "What about it?"

Sumagi sa isip ko ang seryosong usapan nina Mama at Papa no'ng Miyerkules. Umiyak si Mama habang si Papa naman ay galit na galit. Gustong sumigaw pero pinili nitong kimkimin ang galit dahil kasama nila ako. Ayaw nilang masangkot ako sa problema na kinakaharap nila.

PGS02: From Dusty Roads to Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon