No More FRIENDZONE. <3

377 8 1
                                    

[ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ]

-------------------------------------

No More FRIENDZONE.

All Rights Reserved 2014

"It's not that William..it's just that..hindi tayo pwede." mariin na sabi ni Stella. 

Yeah she's my Bestfriend. Elementary pa lang mag-bestfriend na kami. She's sweet, caring, mahinhin at maganda. Ipinangako namin na hindi kami mai-inlove sa isa't-isa pero mahirap pigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang hanggang bestfriend lang kami! Nasasaktan ako kapag nakikita ko syang may kasamang ibang lalaki.

"I-I'm sorry William..I can't lose you as my bestfriend." naiiyak na sya. Marahan ko syang niyakap.

"I understand Stella. Pero anong gagawin ko? hindi ko kayang nakikita ka na may kasamang iba! Nagseselos ako kahit hindi naman dapat!" mahinahon pero mariin kong sabi.

"Hindi ko gustong saktan ka William..pero please kalimutan mo na yang nararamdaman mo sakin ayokong masira ang friendship na matagal nating iningatan at inalagaan." umiiyak na sya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Yun ba talaga ang gusto mo?" naiiyak na din ako. Shet lang ang sakit eh!

Naramdaman ko ang marahan nyang pagtango. Hindi ko na talaga napigilang umiyak. Kung ito ang makakapagpasaya sa kanya ibibigay ko. Kahit alam kong mahal na mahal ko sya.

"I will do it Stella..kailangan ko lang ng panahon at space." Kumalas sya mula sa yakap ko.

"What do you mean?" tanong nya ng tumingin sa mga mata ko.

"Kailangan muna kitang layuan at iwasan." 

"Willia-"

"Hindi ko magagawang patayin ang nararamdaman ko para sa'yo kung lagi pa din akong didikit sa'yo Stella. Mahirap ang hinihiling mo sakin pero dahil mahal kita gagawin ko. Pipilitin ko." pinunasan ko ang luha nya pero lalo lang syang umiyak dahil sa sinabi ko. "No text, no calls, no chats, no talks."

"Kailangan ba talaga yon William?" tanong nya.

No More FRIENDZONE (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon