CHAPTER 18:: VOLLEYBALL

0 0 0
                                    

"Grabe ka Maria sikat ka na sa online world" tumabi ako kay Ann na naka upo sa sahig habang ang laptop nasa center table

"Totoo ba?"

"Pati internationally sikat ka na rin"

Sinilip ko rin ang tinitingnan niya

"Hindi lang naman ako ang sikat. Marami naman kami"

"Pero majority ikaw ang kilala. Ang galing mo kasing magsalo"

"Compliment ba yan?"

"Opkors"

Nakinood ako sa kanya habang nag susurf sa news feed ng facebook niya. Puro mga videos ng concert sa Empire ang laman mostly ay yung KPOP songs na ginawa namin.

Nagkaroon pa ng compilation ng mga lines ko nung kumanta ako at ang pinaka tumatak sa kanila ang pag ra-rap ko ng korea.

Naka 2 million views na sa YouTube ang full performances namin at million na rin ang mga views ng compilation videos ko.

"Pero mas maganda talaga to. Friendship goal" napa irap naman ako ng eh-play niya ang video naming dalawa ni Yvonne na sadyang isinakto niya kung saan ako lumabas para saluhin siya.

"Kung pag mamasdan napaka sweet niyong kaibigan. Ang tamis ng pagtitinginan hahaha"

Nagkatinginan kasi kami dito ni Yvonne dahil sa nagulat siya sa pag labas ko.

Kung bakit ganito kaloko si Ann dahil nakukuwento ko sa kanila ang mainit lagi naming pag uusap ni Yvonne.

Nag bukas na rin ako ng facebook at daan agad ang notifications ko about requesting a friend request pati pag ta-tag ng videos sakin.

Nadadaanan ko rin ang mga she-ni-share nilang videos about reaction ng mga korean fans sa korea at maging ang reaction ng BTS at black pink sa ginawa namin.

Nakatanggap na rin ako ng emails sa BTS member about their reaction and comment sa mga videos ko.

Nakaka proud lang na dati pinapangarap ko lang na balang araw mag cha-chat sila sakin at eto nga ngayon nag e-email pa sila. Bwahahaha haba ng hair hahaha.

Charlie Lim requesting you a friend request

Nailapit ko bigla sa mukha ko ang cellphone ko para matingnan ng mabuti kung tama ba talaga to at di lang ako nag kakamali.

"Sige ngud-ngod mo pa mukha mo"

"Hindi lang kasi ako makapaniwala janine"sumulyap pa ko sa kanya

"Bakit?"

"Charlie requesting me a friend request" iniharap ko pa sa kanya ang cellphone ko

"Ibig sabihin niyan di ka na nakablock"

"Baka nainlove sayo" sabat ni Lyn

"Matagal na yung inlove" Gusto ko sanang sabihin pero wag na lang pala hahaha.

Accept

Agad namang nag message siya pero nung nabasa ko na disappointed ako.

Charlie
Hi Maria. Uno to. Alam kong naka block ka kay Charlie kaya inan-block kita. Libre mo ko ha :)

Maria
Salamat kung ganun

Di na siya nag reply kaya naningin na lang ako sa news feed ko at may isinearch

Memoirs of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon