CHAPTER 23:: RAMSEY

2 0 0
                                    

Masama na to. Dahil pre occupied na naman ako.

Katunayan nga wala na kong natandaan sa mga lectures kanina pati pag uwi ko hindi ko na namalayan. Natauhan lang ako ng gulatin ako ni Janine sa Boarding house.

"Wala ka sa sarili Ave Maria"

"Huh?" Nilingon ko siya at natawa naman siya

"You look bothered" tumabi siya sakin

"And you look tensed. What happen Maria?" kinuha niya ang librong hawak ko kaya bahagya pa kong naalarma

Yun pala aayusin niya lang kasi baliktad ang pag kakahawak ko

"Hindi ka naman henyo para basahin yan ng nakabaliktad. Unless bago mong talent na nadiscover"

"Hindi ko napansin"

"Wow ha. Almost one hour mo ng hawak tapos hindi mo napansin? Tindi mo ah" napakamot na lang ako sa ulo

"Tell me nga Maria. May gumugulo ba sayo? At nag kakaganyan ka" seryoso na siya ngayon

"Hindi ako sanay. Nag away ba kayo ni Charlie or ginugulo ka na naman ni Yvonne?"

"Hindi kami mag kaaway ni Charlie and yes ginugulo ako ni Yvonne. Palagi naman kasi wala ng bago dun" binitawan ko na ang libro at sumandal sa sofa

"So walang nang aaway sayo?" I nod

"So what happen to you?"

"May iniisip lang ako"

"Kakatakot ka naman pala kapag may iniisip"

"Oo nananapak ako lalo na sa mga makukulit" nginisian ko pa siya kaya napangiwi na lang siya.

Pumikit na lang ako at hindi na siya nag salita dahil naramdaman kong lumayo na siya sakin.
And again na pre occupied na naman ako nawala lang yun ng tumunog ang cellphone ko.

Calling Dos-por-dos.....

"Why?"

"Magkasama ba kayo ni Charlie?"

"Hindi"

"Or nag away ba kayong dalawa?"

"Lalong hindi. Bakit ba?"

"We throw him a party pero hanggang ngayon wala pa siya."

"Party?" Napa ayos ako ng upo

"Bakit may party? Anong meron?" Sandali siyang natahimik na inakala kong wala na sa linya

"Hello Dos? Hello?" Imbes na salita ang sumagot sakin. Nakakarinding tawa ang isinagot niya.

"Hahahahahahahahahahahhahahaha"

"Now i know kung bakit beastmode siya. At hindi niya kami sinipot. Kasalanan mo na naman"

"Huh? Why me? Anong ginawa ko? Ni hindi nga kami nag aaway"

"Alam mo ba kung anong meron ngayon? May naaalala ka ba"

"May occasion ba ngayon"

"Tsk. Nag away nga kayo"

Memoirs of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon