Chapter 1 - Bitter

74 6 1
                                    

Updated as of today:
Actually, published na ito dito s watty, kasu in-un-published ko nung March kaya back to zero tayo, hehehe, dahilan? Kasi under evaluation pa ito nung mga time na yun, hehe. Pa-follow din po, follow back ko po kayo :)

Annyeong! Autumn here! Ipinasa ko po ang story na ito sa PHR, so bale under evaluation po ito. I also posted this on Booklat, pero dahil laging nagla-lag doon, hindi ko mapost agad agad, mas updated yung post ko dito, hehe, Please vote and recommend this story to your friends, thanks!

Add me on facebook @autumn Javellana madrid, feel free to message me doon, kwentuhan tayo!

Bianca stared at the newlyweds with a blank face. Kasal ng college classmate niyang si Angelu sa asawa na nito ngayong si Paul, isang amerikano na nakilala lang nito sa facebook. Hindi niya maiwasang mapangiti ng tabingi habang pinagmamasdan an hitsura ng naglalambingang bagong kasal. Ang gwapo ng groom, mukha itong Hollywood actor na nakalabas sa isang international magazine, samantalang ang bride nito ang complete opposite. Well, umayos na ito kahit papaano ng dahil sa science. She wonder, ilang daang libo kaya ang nagastos ng Paul na iyon para sa Belo beauty ng babaeng bukod tanging pinagpala? Alam naman niyang kahit na ang noselift pa lang nito ay tumatagingting na figures na ang katapat. Ang swerte talaga ng babae. Hindi na ito magtitinda ng kung ano-anong kalakal sa facebook. Dati rati ay nabubully pa nga si Angelu sa klase nila dahil talaga namang nuknukan ito ng itim, at hindi rin kagandahan. Madami pang pimples. Kapalaran nga naman, ang dating inaapi ngayon donya na.

Sa isang hotel ginanap ang reception. Pink ang motif, Japan ang setting, may mga nagkalat na pekeng cherry blossom trees. Sa Japan daw kasi ang first meeting ng dalawa. Japan based si Paul at pinapunta na lang nito si Angelu doon ng gusto ng maki-meet, all expenses paid trip - share siempre iyon ni Angelu sa group chat nila.

Bakit nga ba hindi rin siya nabully noong nag-aaral pa siya? sana pinagpala na siya ngayon.

Mabait si Angelu, ugaling santa, ikaw? tila nanunuya na tinig sa isip niya. Iwinaglit niya iyon, kahit kailan ay hindi siya magiging kasing bait ng bride. As if naman na papayag siyang mabully? magkabarangayan muna bago siya makanti. Kaya siguro hindi siya pinagpala. And until now ay wala pa siyang afam.

Lihim na lang siyang natawa. As if naman iaasa niya ang kaligayahan sa kapalaran? Hindi pa naman siya naghihikahos na tunay, bakit sya maiinggit? tama, maganda naman sya. Saka hindi niya kailangan ang love life para sumaya. Matagal na niyang kinalimutan ang pagkakaroon ng lovelife. Hindi siya babaeng nakasalalay lang ang kaligayahan sa lovelife, marami siyang pinagkakaabalahan.

"Look at them, Biancz, ang sweet sweet nila...kakilig..." Panggagatung pa ng katabi niyang si Asunta sa nararamdaman niya. Isa pa ang babaeng ito. Kung kiligin para namang hindi ito nambully sa bride noon.

"Hindi pantay yung pagkakagawa ng cheekbones ni Angelu, pansin nyo guys?" ang ever eksenadora naman na si Venice ang bumida, tama ito sa napansin, since then naman kasi ay perfectionist ang bruha, kahit nga pagkakaiba ng their at there ay napapansin. Antrimitidang tunay, pati nga ang penmanship niyang pangdoktor ay hindi nito napalampas noon, kaya naman hindi niya ito bet. Infairness nga naman, maganda ito, physically perfect. Ugali lang nito ang kailangang ayusin. Pero pinagpala pa rin ang bruha, may lovelife! ang gwapo ng asawa, ang ganda ng anak. Too bad, ang crush niya noong first year college ang nakatuluyan nito. Gwapo, mabait at may kaya, kaya nga lalong sumama ang ugali ng bruha, Feeling perfect na ang life.

But there's no such thing as perfect in this planet, may imperfection din ito. She wonders, maliban sa ugali, ano pa kaya? Mukha na itong walking mannequin.

"Ikaw naman Venice slight lang naman, wag mo ng pansinin." anang dating class president nila na Economics Professor na ngayon, Si Katherine. Teka, bakit ang mabait na guro ay single pa rin? mali palang lahat ng mabait pinagpapala. At saka si Venice, bakit kaya pinagpala rin ito kahit arte queen ito?

30 Days with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon