Chapter 17

1.5K 32 2
                                    

Jozh POV

"I may not be a doctor. But I plan to marry a beautiful one"

Nanlaki ang mga mata niya at napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. And it feels like she's touching my heart through her hand. The fact that I can let her hold my heart without hesitation that she may break it again.

Everything feels perfect until she let go of my hand dahil bigla siyang sininok. Parang nagulat pa siya kaya niya nagawa yun. Pinunasan niya ang huling luha na pumatak galing sa kanyang mata. Panay parin ang tingin ko sa kanya na ngayon ay sobrang clumsy na.

When I tried to reach for her hand again ay siya na mismo ang lumayo na para bang ayaw niyang ipahawak sakin. And deep inside of me heard a cracking sound. My heart!

"Ahmm...U-uuwi na ako"

I bow my head and I slightly nodded.

"Ihahatid na kita" I insisted.

"W-wag na. Kaya ko namang magmaneho"

Dahil sa sinabi niya ay mas lumapit ako at hinawakan ang mukha niya. Letting our eyes meet. She blink her eyes once..then twice..

"Will you stop hurting my heart? Because seriously, you're the pain I won't give up"

Sinabayan ko ngayon ng ngiti ang aking sinabi. Agad din naman siyang napatingin sa labi ko.

Oh! Wrong move baby...

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. I smile a little when she slowly close her eyes. Pero bago pa man maglapat ang aming mga labi ay bigla siyang dumilat at gulat na gulat na malapit ako sa kanya. Then she push me na kinabigla ko.

"Sh*t!" Sabunot niya sa sarili. At kinuha ang cellphone sa bulsa niya nang may tumatawag.

"H-hello hon?...I'm so sorry I forgot..Yeah!!.. I'll call you later when I get home... Okay!.. Same too you.. bye" binaba niya na kaagad ang tawag at pinaandar ang sasakyan.

"Sino yung—"

"Nandito ang kotse mo?" Maagap niyang tanong.

"Wala, nasiraan kasi ako"

"Oh! Then is it okay kung mauuna na akong umuwi? I really have to go home"

"Samahan na kita"

"What!?"

"Para masigurado ko rin na safe kang nakauwi"

"O-okay. Ako nalang ang magmaneho"

Hindi yun tanong kaya umupo nalang ako pero ang mata ko ay nasa kanya. Kailan kaya siya natutong magmaneho? Sino kaya nagturo sa kanya?

"Stop staring at me like that, jozh. I might hit the car" natawa pa siya ng mahina.

Napaubo ako at umayos ng upo. Binalingan ko nalang ang bintana. Umuulan parin pala at nagsisimula ng bumaha. Nahulog ang pag-iisip ko sa kausap niya kanina sa cellphone. Sino kaya yun? Ba't parang kinakabahan ako?

Always Be His Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon