Prologue

137 1 0
                                    

Ako si Stella Marie Bernal........ Isang Dalagang may simpleng buhay pero lahat iyon ay nag-iba dahil sa isang bagay.

Bagay na nagdala sa akin sa isang paaralang punong-puno ng mahika at isang paaralang inaasam-asam ng bawat tao.

"Mamo bakit lagi nalang kayong nawawala ni Dada pag umaga, tapos pag gabi tsaka nalang kayo darating?" Ang tanong na ito ang laging bumabagabag sa isip ko simula pa lang noong bata pa ako.

Tuwing wala si Mamo at Dada ang kasama ko dito ay si Lola Xzyquel, Kapag andito naman si Mamo at Dada sa Gabi si Lola Xzyquel naman Ang may pupuntahan at babalik nalang pag Umaga.

Isa akong Grade 10 student, Running for Valedictorian ako sa St. Therese Academy, alam niyo ba ang dahilan?

Because I am a looner....... Madami namang gustong kumaibigan sa akin pero hindi ko ito tinatanggap dahil baka sa huli pagsisisihan ko din lang ito, Baka sa huli sasaktan rin lang nila ako, Baka sa huli iiwan din lang nila ako, ganiyan naman lahat eh! Walang dapat pagkatiwalaan kasi once na naibigay mo ang tiwala mo nga buong-buo hindi mo na ulit ito maibabalik sa Sarili mo.

Noong bata ako may mga pagkakataon na hindi ko maintindihan Ang nangyayari sa akin katulad na lang noong Grade 3 ako, nabuhat ko ang isang malaking lamesa gamit lamang ang aking hinliliit, noong Grade 5 Naman ako, may napagaling akong sugat dahil sa luha ko.... Hanggang ngayon mas lumalala pa ang sitwasyon ko parang limang beses sa isang araw ako nakakagawa ng mga ganoon at ang nakakapagtaka pa ibat-iba ang nagagawa ko.

Hindi naman sa nag-a-assume ako pero parang may magical powers ako pero bakit parang malabo naman yata iyon kasi kung totoo nga dapat asa Kingdom of Legerdemain na ako ngayon at tsaka dapat may magical powers din ang mga kamag-anak ko.

"Lala gising ka na! Late ka na!" Iyan ang Lola Xzyquel ko, maingay pero parang teenagers mag-isip.

"Lola ano na po bang oras?" Bigla naman niyang pinalo palo yung paa ko.

"Ikaw talagang bata ka, hindi ka talaga marunong tumingin ng orasan! Ang dami na ngang orasan dito sa kuwarto mo na nilagay ni Mamo at Dada mo tapos may Cellphone ka pa!!!" Let's start the rumble!!!

"Tinatamad po ako" Emotionless na sagot ko kay Lola.

"Hay nakong bata ka! Ang boring mung kausap, magbihis ka na nga!" Hindi naman talaga ako sanay sa sa madaming sinasabi .

Naligo na ako para makapagbihis, Ang uniform ng St. Therese ay blue kasi yung unang principal ay blue Ang favorite color kaya iyon, tss! Ang daming alam!

Pag narinig mo ang salitang matalino, maisip mo agad ang salitang nerd pero hindi naman ako ganoon sabi pa nga nila ako raw ang naiibang valedictorian sa lahat kasi ako lang daw ang walang halong nerd,alam niyo na parang sexy at maganda ganoon.

Kingdom of Legerdemain (On- going)Where stories live. Discover now