Chapter 7

43 2 0
                                    


CHAPTER 7 - JB

Kinabukasan ay nagising na ako ng ala una ng hapon. Ramdam ko ang panlalata ng buong katawan ko sa sobrang haba ng tulog ko.

Napansin ko naman ang isang sticky note na nakadikit sa coffee table ko kaya naman inabot ko 'yun at binasa.

Gurl dito pa rin ako natulog kagabi at inalagaan ka. Masama kamo pakiramdam mo diba? Hehehe. Anyway, pinaalam na kita kay tita na aabsent ka today. 'Di na rin kita ginising kanina bago ako umalis kasi ang himbing ng tulog mo. Pagaling ka lang, love you! ♡

- Lianne

Parang may kumislot nanaman sa puso ko nang matapos kong mabasa iyon.

Nung mga sumunod na araw ay umabsent pa rin ako. Hindi pa rin ako handa. Parang pinipiga ang puso ko 'pag nakikita ko silang dalawa.

Nakokonsensya pero 'di magawang mag-sorry. Tapos hindi pa magawang ipaalam sa bestfriend ang totoo.

Those days na umabsent ako, kung saan-saan lang ako nagpunta. Kung hindi shopping, partying ang ginagawa ko. Pagkatapos naman pag-uwi ay magmo-movie marathon sa magdamag. Wala naman silang pakialam sa akin eh. Nandito nga si Mum at Dad pero ang pag-absent ko 'di nila ramdam. Hah.

Mahigit isang linggo din akong umabsent. Pati araw ng exams namin ay umabsent din ako. To my surprise, sa pag-absent ko sa day ng exams lang ang napansin nila Dad.

"Aine Isabelle Gomez! I heard from your teacher na absent ka na daw for 7 days?! And you didn't even showed up on the day of your exams?! Ano ba talagang plano mo sa buhay?! And I even come back here to personally check up on you!" Galit na sabi ni Dad. They're here in my room. Si Dad, Mum, at si Levi.

Hinihimas ni Mum ang balikat ni Dad para kumalma siya habang si Levi naman ay tahimik lang na nakikinig sa sulok ng kwarto ko.

"Yes, Dad! You're here to check up on me, and yet you still don't know what I was doing this whole time! Ganyan naman kayo eh. Napapansin niyo lang ako 'pag may ginagawa akong mali. Eh yung mga mabuting ginagawa ko? Ni minsan ba napansin niyo?" Unti-unti nang nagtubig ang mga mata ko. Lumapit naman si Levi sakin at hinawakan ako sa balikat.

"Kailan ka ba may nagawang tama, Isabelle? Kailan ka ba nag-effort? Wala ka namang ibang ginawa kundi ang mag-club at lumandi! Wala kang kwenta!" Kitang-kita ko ang pag-aalab sa mga mata ni Dad.

"Hon, please don't say that to your daughter!" Nagiging garalgal na rin ang boses ni Mum at umiiyak na siya.

Wala akong maramdaman. 'Yung luhang namumuo sa mga mata ko kanina biglang nawala. I can't feel anything. I can't feel my heart breaking. Wala na 'kong pake. Matagal ko naman nang alam na wala akong kwenta eh. Hindi na nila 'ko kailangang iinform.

"Hindi na ako mag-eexplain, Dad. Hindi ko na kailangan pang ilatag sa harapan mo lahat ng mga effort ko at mga ginawa ko para maging proud kayo sakin. Wala nang sense 'yun. Wala naman kasi akong kwenta, so bakit ko pa i-dedefend ang sarili ko sa mga masasakit na salitang binitawan mo, Dad? Oh.. Wala nga pala akong kwenta 'no? So 'di mo na rin ako anak." Mahinahon pero buo ang pagkakasabi ko. Nanatili lamang na nag-aalab ang tingin sakin ni Dad.

"ISABELLE!" sabay na bulalas ni Levi at Mum.

"Dad is so perfect. He has the perfect business, perfect house, perfect wife, perfect son.. Ako lang 'yung pa-epal, so 'di ako anak ni Dad. Kasi.. Ako ang kabaliktaran ng perfect."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Name Is Indigo (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon