PLAGARISM IS A CRIME
THE STORY CONTAINS OF MATURED SCENES AND EXPLICIT WORDS THAT'S NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.
*****
Hotness in the sea
by: RejmonSTART[10/27/18]
*****" MOM!" Di ko mapigilang mapasigaw dahil sa sobrang inis. Hindi manlang ako pinapakinggan.
"ARE YOU SHOUTING AT ME?!"
"Mom! no. It's that, I am already old mom. I can't do it." Medyo mahina at dahan-dahan kong sabi kay mom. Baka mamaya maiba nanaman ang pagkaintindi niya.
"Baby makinig ka kay mommy okay. Para sa'yo naman to at isa pa, it was already planned many years ago."
"Mom naman eh. Ikaw na nga ang nagsabi na noon pa 'yon. Maari niyo naman pakiusapan sina tita....total parang sobrang close naman kayo sa kanila."
"Ah basta. Wala ka ng magagawa...sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka...wag mo naring kausapin ang daddy mo dahil wala siyang magagawa rito."
"MOMMY NAMAN EH!"
"SINISIGAWAN MO BA AKO'NG BATA KA!"
Arrgg! Hindi ko mapigilang mapapikit ng mata dahil sa sobrang inis. Ayan nanaman siya palagi akong ginagawang bata, porket ako lang ang anak nilang hindi pa umalis sa puder nila. Dahil ang mga magagaling kong kapatid nagsilayas, ginagawang excuse ang trabaho. Na kesyu medyo nakakapagod ng bumeyahe, baka matraffic bla..bla...chu.
Since wala naman akong magawa dahil nakapag decide na sila, might aswell maki-usap. Well, hindi naman siguro masama ang plano nila. Kilala ko naman ang pakakasalan ko dahil kababata ko naman...ngunit ang problema halos hindi ko na matandaan ang itsura niya dahil bata pa kami nung makita ko siya.
"Mom pwedi naman siguro sila kuya nalang ang ipakasal mo." Mahina kong palusot habang nagiisip pa ng maari kong gawing excuse baka pala mamaya makalusot.
"ANO?"
Gosh! Ang lakas ng boses ni mommy. Hindi ko tuloy mapigilang mapatakip ng dalawa kong tainga.
At ng mapako ang tingin sa kaniya ay bigla nalang ako'ng napatanong sa sarili...." may mali kaya akong nasabi? as mali talaga?"
Parang may mali kasi akong nasabi kung makatingin si mommy sa akin. Nagsuggest lang naman ako ah. Mali narin ba ngayon ang magsugest?
"MAY PLANO KA BA'BANG GAWING BAKLA ANG MGA KAPATID MO?"
My God! Kaya pala nanlaki ang mata niya. Na missinterpret pala niya ulit.
"Mom, ang ibig kong sabihin, baka meron silang pwedi ipares kay kuya," naiiling kong paliwanag sa mommy kong sobrang OA kung maka react. Gawin ba namang bakla sila kuya na sobrang babaero non. tsk!
"Ah basta sa ayaw at sa gusto mo ay magapapakasal ka! Period."
Wala akong nagawa kundi ang mapanganga nalang habang napatingin kay mommy na papunta na ngayon sa hagdan ng aming bahay. Nagawa pa talaga nitong magdabog.
"MOM!" Malakas kong tawag sa kaniya.
"Don't mom me. At isa pa after the next month na ang tentative wedding date niyo kaya mag enjoy ka habang single ka'pa."
"WHAT THE HECK! MOM!"
"MOMMY!"
Paulit-ulit kong tawag sa kaniya. Ngunit ang magaling kong ina ay nagbingi-bingihan at patuloy lang na humakbang pataas sa hagdan. At maypa sway-sway pa ng balakang na parang sobrang natutuwa...hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aking paningin.
Impossible! Okay naman sana sa akin ang magpakasal...basta after three or five years. Ipapakasal na nga lang nila ako pero bakit ganun kaaga? Pano nalang ang carrer ko? Ang mga gimik ko?
Gosh! Hindi ko pa nga naeenjoy ang nightlife ko dahil bago palang naging stable ang carrer ko. Tapos ngayon parang magkakaroon na ng limitasyon ang mga gagawin ko?
Kaya hindi ko mapigilang masigaw bago tuluyang lumabas ng bahay at pinaharorot ang sarili kong sasakyan palabas ng subdivision.
—
—
R E J M O N
ⓒ
BINABASA MO ANG
Hotness in the sea
Ficción GeneralGeneral fiction "He's like a fire. A fire that burnt me." Author/Writer: R E J M O N ⓒ