Chapter 13-Double Date

300 15 2
                                    

SHANE'S POV

Shane,balikan mo man ako o hindi,I promise..

Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko..

Kahit hindi na tayo..

WAAA!!!...Hanggang ngayon paulit-ulit kong naalala yung mga sinabi ni Michael.Ang tanga-tanga mo Shane..Bakit kasi di mo hinabol..Nakakainis ka! . Pero baka pwede pa..

Dahil weekends pa rin naman,wala pa pasok,nag punta ako sa bahay nila Michael.Susubukan ko sana siyang kausapin.Bumili pa nga ako ng ice cream ee,favorite niya yun.Nasa subdivision na ako nila.Malapit na ako sa kanila..papalapit..Gosh !! Kinakabahan ata ako aa..No shane !! Relax ka lang..kaya mo to ..Inhale,exhale..whoo!. Nasa labas na ako ng bahay nila at magdodoorbell na.Nakita ko siya sa labas..

"Mich---" di ko natuloy ang pagtawag ko sa kanya dahil nakita ko rin lumabas yung kababata niya.Inabutan siya ng juice.

"Juice?" tanong ni Angel

"Thanks,baka may gayuma to a?o pampatulog,haha" mike.Ang saya ni Mike ng mga oras na yun.

"ang galing mo naman,pano mo alam?" Angel

Di ko alam ang gagawin ko.Iiyak na naman ba ako?.Shane,umalis ka na lang!  kayalang hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.Maganda nga siguro kung lamunin na lang ako ng lupa ee.Siguro hindi pa nila ako nakikita.Ang saya nilang dalawa..Masaya na si Michael wala na ako sa kanya ee.

"i love you,you know that" ang sabi ni Angel

Hindi nagsalita sa Michael sa halip ay niyakap niya si Angel. wala na ! Durog na durog na ang puso ko,wasak na wasak na..Ito na siguro ang cue ko para umalis na...para sumuko na..Iniwan ko lang yung icecream sa gilid ng halaman.tsaka ako umalis..

Michael,ang sakit..Ginagawa ko lang tanga ang sarili ko..Umasa na naman ako sa sinabi mo..Nakinig na naman ako..ayoko na ayoko na..

END OF SHANE'S POV

MICHAEL'S POV 

Bwisit ! Gusto ko ng makita si Shane.Gusto ko siyang makausap.Pero anong magagawa ko kung ayaw na niya? Susuko ka na lang ba basta-basta mike? .Naligo ako,nagbihis nag-ayos..Pupunta ako kila Shane.Hindi ako aalis doon hanggat di niya ako kinakausap.Ng lalabas na sana ako..Nakita ko si Angel..

"Mike.." angel

"Angel-- binuksan ko ang gate at pinapasok siya Anong ginagawa mo rito?" tanong ko

"Gusto lang sana kita kausapin"

A PERFECT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon