Chapter 17-Double Date again

228 9 0
                                    

ANN'S POV

Hinihintay ko si Jaycee sa Ospital.Nauna na sila daddy at mommy.Sabi ni lolo yun daw dapat ang tawag ko sa kanila.Grabe,a quick turn of events! bigla bigla na lang.Kung panaginip lang to,sana gisingin niyo na ako.Ayoko ng ganito. Biglang bumukas ang pinto. si Jaycee na..

"who said na pwede ka ng umuwi?" tanong niya

"doctor ka na ba ngayon sir? yung doktor po,salamat po sir aa". Nagsisimula ng tumulo ang luha ko.. hindi ann! Hindi ka pwedeng umiyak sa harap niya! Hindi! "sige po sir,una na po ako.Maraming salamat po aa?"

Bigla niya akong niyakap.. Tumutulo na yung luha ko pero sabi ko sarili ko dapat akong maging matatag ! Para sa kanya.

"may sasabihin sana ako sa'yo Ann ee"

Kinabahan ako bigla.

"uhmm..ano po yun sir?"

Humarap siya sakin at huminga ng malalim.

"Roxanne Denisse Nicolas, at first sinabi ko sa sarili ko 'yan,kahit kelan hindi ko yan magugustuhan' naiinis ako sa ugali mo,ikaw lang ang babaeng nagpapahaba ng mga reply at sagot ko and I hate that.Yung pananmit mo,di ko gusto,para kang lalaki"

Tumigil siya sa pagsasalita.Naghihintay ako ng kasunod pero hindi na siya nagsalita

"yun lang ba?" naiinis kong sabi "sinabi niyo lang po sakin yung mga ayaw niyo,wag po kayong mag alala,di niyo na ako makikita pagkatapos nito" 

feeling ko pinukpok,tinapaktapakan,pinasagasa sa 6 wheeler truck yung puso ko.Bakit pa kasi ako umasa ee alam  ko namang di talaga ako nyan magugustuhan.tsk

"Pero kinain ko lahat ng iyon Ann..Ayoko mang aminin,pinilit ko mang kalimutan,pinagsawalang bahala ko lang pero talo pa rin ako ee.Mahal kita Ann..Narinig mo,I love you!"

Dun ko na hindi napigilang umiyak. 

"May nasabi ba akong masama?" tanong niya

Ngumiti ako..

"sorry.alam kong di mo ako magugustuhan pero hindi ko na kayang itago e.Wala akong pakialam kahit hindi mo ako mahal,ang gusto ko lang ay maipakita sayo kung ano ang nararamdaman ko.."

"Peram ako cp sir" sabi ko

"teka,bakit? Nakikinig ka ba? ang haba-haba ng sinabi ko hindi ka pala nakikinig,tss" sabi niya

Tumawa lang ako.. Tinawagan ko ang cp ni Jake at Mommy ni Celine,pinaalam ko na magpapasama akong bumili,pero gusto kong magpakasaya.Gusto kong Pumunta sa dati ko pang gustong puntahan. Enchanted Kingdom.. Pumayag naman sila parehas..

"busy ka ba sir?" tanong ko

"hindi bakit.Wag mo nga akong tatawaging sir, Mine will be fine" sabi niya sakin..

Yiee ..Kinikilig ako

"che! Lika, enchanted tayo sir !"

"what?pambata lang yun ee"

"ayaw mo?"

"hindi,gusto..let's go"

haist..Ang sweet niya kung magiging boyfriend ko siya..kayalang mukhang malayong mangyari ee..samantalahin ko na lang muna to..

A PERFECT LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon