Chapter 10

65 2 2
                                    

Kimberly's POV

"Hoy kayong tatlo!" Lumingon sina courtney saakin at ngumiti.

"Bakit kayo ngumingiti diyan!?!?!" Sigaw ko at lumapit ako sa kanila.

"Eh kasi bati na kayo ni kyle! Yieeee!!!" Pang-aasar saakin ni michelle.

"At paano niyo naman nalaman? Wala naman akong kwinekwento ah"

"We have connections Kim." Sagot ni amie

"Heh! Alam niyo bang gutom na gutom ako kahapon! Ang tanging nakain ko lang ay yung 2 packs  ng flat tops!!! Isipin niyo yun! FLAT TOPS!!!" Talagang diniinan ko ang salitang 'flat tops' para maguilty sila. Buti na nga lang biglang may dumating na manang at ginising kami kaninang 3:00 am.

"FLAT TOPS????" malakas na tanong ni Amie.

Tumango ako.

"Bakit di ka namimigay?!??!" sigaw na tanong ni Amie.

"Kayo na nga tong naglock saakin bibigyan ko pa kayo? Ano kayo? swineswerte??!?!?!"

"Kami naman yung dahilan kung bakit kayo nagkaayos!" binelatan ako ni Courtney.

"Kaya nga!" pagsang-ayon ni Michelle.

"Bahala nga kayo diyan! Baka malate pa ako eh! Bye na! antayin niyo ko dito mamaya ah!" dumiretso ako sa classroom ko at biglang lumapit si Sam saakin.

"Hi Kimberly! nakita mo ba si Kyle?" siya ang vice president namin kaya niya siguro tinatanong si kyle kasi magchecheck siya ng attendance.

"Wala ba siya dito?" tiningnan ko ang buong kwarto pero wala siya doon.

"Wala eh...." sagot niya.

"Ah....hindi ko kasi siya nakita eh siguro late lang yun..."

"siguro....thanks!"

Biglang nagbell kaya umupo na ako sa upuan ko.

Humanda yung Kyle na yun saakin! Wala tuloy akong seatmate! nakakainis!

Natapos ang klase pero wala pa rin siya. Naghintay ako sa tapat ng kwarto nung tatlo. Ang tagal naman nilang idismiss! gutom na ako!

Pagkalipas ng ilang minuto nakita kong lumabas na ang teacher nila at mga kaklase nila. maya-maya nakita ko na din yung tatlo.

"Halika na! gutom na ko!" sabay hila ko sa tatlo.

Nang papunta kami sa cafeteria nadaanan namin ang field.

"Anong nangyayari doon?" sabay turo ni Courtney sa stage na asa field. Ang daming tao at parang.....wait....si kyle ba yun???

Lumapit ako sa stage. Sumunod yung tatlo saakin.

"Hi Kim!" kumaway si Kyle at ngumiti. napangiti na rin ako.

"Alam ko na sawang-sawa ka na kasi lagi ka na lang hinaharana kapag nililigawan ka pero please tiisin mo na lang muna kasi alam ko na i'm not sweet and romantic but i'll try....for you." sinimulan na niya ang pagstrum sa guitar niya.

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik...

Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

Nakatayo lang ako dito habang pinapakinggan ang pagkanta niya. I don't care if he's not sweet or romantic....I love him and he loves me back...that's all that matters. Nagsisisi ako na pinakawalan ko pa siya noon, na sinaktan ko siya ng paulit-ulit. Sinagad ko siya kaya he gave up on us pero ngayon ayan nanaman siya....making me fall deeper.

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin.

Nang natapos na ang pagkanta niya kinuha niya ang mic,bumaba ng stage at sinabi ang mga salitang matagal ko nang hinihintay.

"Kimberly Anne Montes will you be my girlfriend?" napaiyak na lang ako sa tuwa.

"B-Bakit ka umiiyak? May mali ba akong nasabi? Sorry na..." bigla naman niya akong hinug at pinatahan.

"Putek! Di kasi! Ang sweet mo kasi eh!"

"So...tayo na?"

"A-Ayaw pa ba ako?"

Nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya.

"WOHOOO!!!!! SA WAKAS! SINAGOT NIYA NA AKO! AFTER 4 FUDGING YEARS!!!!! NAPA-OO KO NA SIYA!!!" natawa na lang ako sa inakto niya. Nakatapat pa ang mic sa bibig niya kaya rinig na rinig ang mga sinabi niya. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Diba dapat nahihiya ako sa mga ginagawa niya ngayon? pero iba ang nararamdaman ko. Ang saya saya ko.

A Thing Called "LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon