Sisimulan ko na ang aking tula
Ang tulang isinulat para sa iyo
Na sana'y mapansin mo na
Ang dinaramdam ng puso koSisimulan sa isang pangyayari
Na kung saan nagsimula lahat nito
Sa ilalim ng mga bituin na ika'y katabi
Sa kaliwang parte na malapit sa aking pusoAko'y nag-iisip isip
Kung bakit ka tumabi sa akin
Na hanggang sa panaginip
Nanggugulo na sa akinSabi nga nila
Huwag masyadong umasa
Baka sa huli ikaw ay mali
At iiwanan ng luhaanKaya't isinantabi
Ang aking nararamdaman
Titingnan ka nalang sa tabi
Upang hindi na masaktan
BINABASA MO ANG
Mga Tula Para Sa Kanya
PoetryIto ang mga tula ko para sa kanya. Hindi na ako umaasa na mababasa pa niya. Kahit na iba na ang makabasa. Basta't masabi at maibahagi ko sa iba. Na ako'y nagmahal ng taong hindi ako minahal. WARNING! Mga tula lang po ito. Hindi story na may happy e...