Isinantabi man ang aking nararamdaman
Hindi ko parin maiwasan
Na mahulog ng paulit ulit
Hanggang masanay na sa sakitKahit na walang maidudulot na maganda
Ang pagmamahal ko sayo
Ngunit hindi ko naman kaya
Kung susuko nalang akoKung kaya't umamin na ako
Umaasa na sana pansinin mo
Ang matagal ko ng tinatago
At ang palihim na pagtingin koAlam mo ang feeling ng ma-reject at iwanan
Ngunit noong umamin ako
Ako'y iyong iniwan at sinaktan
Pinakamasakit ay ang pinaasa mo pa akoMasakit mang bumangon
Gumawa ako ng paraan upang lumayo sayo
At upang makapag-move on
Kahit ang totoo ay hindi naman naging tayo
*******************
Sa totoo lang, hindi naman ako mahilig gumawa ng mga tula kaya pag-pasensyahan niyo na kung hindi masyadong magaganda ang entries ko. Basta nagsusulat ako with feelings.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Para Sa Kanya
PoesiaIto ang mga tula ko para sa kanya. Hindi na ako umaasa na mababasa pa niya. Kahit na iba na ang makabasa. Basta't masabi at maibahagi ko sa iba. Na ako'y nagmahal ng taong hindi ako minahal. WARNING! Mga tula lang po ito. Hindi story na may happy e...