First Day
I'm on my way papunta sa school now.Sa totoo lang nini-nenerbiyos na talaga ako,kasi hindi ko naman alam kung ano yung ugali ng adviser namin baka kasi terror,at hindi ko rin alam kung may magiging friend ba agad ako dun,baka kasi mga sosyalan,judgemental,at mga bully ang mga magiging kaklase koActually nag enroll ako sa pinaka highest na curriculum sa school namin.Dahil nga sa matataas naman ang grades ko nung elementary,my mother pushed me to enroll in this particular curriculum at swerte ko lang at nakapasa ako sa entrance exam and interview
Huminto na yung driver kasi nandito na kami sa school,trisikel lang yung sinakyan ko,alangan naman mag taxi ako eh wala nga kaming pera diba?at isa pa ang lapit lang naman mga 15 minutes lang ang biyahe
Public school lang ang eskwelahan ko,pero OK narin dahil marami naman akong matututunan dito,sa katunayan nga ito rin ang highschool ng mama ko,oh diba parang mana - mana noh..jawk lang
Paakyat na ako ngayon,nasa taas kasi ang classroom namin,napuntahan kasi namin 'to nung brigada eskwela eh
Marami pang estudyanteng nasa labas siguro wala pa ang teacher namin."Cath!"tawag sa akin ng pamilyar na boses,at ng makita ko si Arriana lang pala,at oo,we're still in the same school and same class together with our past classmate,Arah,Zien,Kiary and Gino
"Ohh ,kanina pa ba kayo dito?"tanong ko sa kanya
"Oo ee.."sagot niya habang pinapaypayan ang sarili ng sarili niyang kamay,ang init kasi dito
"Wala pa ba yung adviser natin?"tanong ko ulit
"Malamang,wala pa,kung nandito na yun siguro kanina pa tayo nasa loob--ohh nandiyan na siguro si ma'am"at sa sinabi nyang yon ay tumabi muna kami para maka daan si ma'am at nag 'Good Morning Ma'am' kami sa kanya
Sa totoo lang maganda yung teacher namin at sabi pa nga ni mama mabait daw siya dahil naging teacher niya narin daw ito nung highschool
"Ok class,so I'm mrs.Lopez ang I am your adviser for the class 2018-2019"sabi ng adviser namin pagkatapos naming umupo.
"Ok,since it's your first day of school i will let you introduce your selves"-Mrs.Lopez"Let's start here"sabay turo sa babaeng nakaupo sa unahan na nasa pinaka dulo malapit sa bintana
After a few introductions I'm the next to introduce my self,hohh,I'm so nervous
"Good morning everyone,my name is Cathriana Celveste and I'm 12 years of age.I hope we'll all be friends"pag iintroduce ko sabay bow
---
Natapos na lahat na mag introduce na sarili nila,hindi narin nakapag lesson si Mrs.Lopez dahil sa introduce your self namin kaninaNgayon naghihintay na kami sa next subject namin which is Filipino,sa lahat ng subject ito yung pinakamadaling intindihin
"Magandang Umaga Po Ginang Diaz"sabay-sabay naming bati sa teacher namin.Mukhang strikto siya ahh,pero keribells lang,kayang-kaya yan ng beauty ko noh...Nakksss
===========
RINGGGGGGGG
At sa wakas tapos na ang last subject namin at lunch time na.Umuuwi ako sa bahay tuwing lunch time,kasi nga diba malapit lang naman."Ma"tawag ko kay mama pag uwi ko ng bahay"ohh nandiyan kana pala,mamaya na tayo kakain pag dumating na ang tito mo"here we go again,pag ako ba malate umuwi hinihintay nila bago kumain?Diba hindi.Hayysst
--------
Kasalukuyan kaming kumakain dito sa dinning area namin.wow maka 'dinning area' kala mo mayaman.. hahahah"Ohh honey ano na pala ang balita doon sa sinabi ko sayo?Hindi ba may babayaran pa tayo sa kuryente at tubig?Napautang ka na ba ng boss mo?"tanong ni mama sa so called 'honey' niya

BINABASA MO ANG
LOVE SEEKER
Teen FictionCathriana,isang babaeng mahilig magbasa ng libro tungkol sa love stories.Because of reading love stories,she fell so empty and her heart keeps on telling her to SEEK FOR LOVE.