Rianne's POV
"That's all for today. Goodbye." At lumabas na ang Economic Planning Teacher namen. Tinignan ko si Mea at Cha-cha sa tabi ko.
"Tapos kana magligpit ng gamit mo? Bilisan natin baka hindi na natin maabutan eh." sabi ni Mea.
"Hindi ka naman excited noh?" Sabat naman ni Cha-cha.
"Hayaan na lang natin yan Cha-cha," Sabi ko sa kanya. "Basta ito ang first at last na gagawin namin to ni Cha-cha, Mea ahh?" tingin kay Mea.
" Salamat talaga sa inyu mga bestfriends!" Niyakap naman kami ni Mea.
--
Habang naglalakad kami palabas ng gate hindi ko maiwasan ang kabahan. Kahit makapal ang mukha ko , kinakabahan pa din ako nuh! Eto naman kasing si Mea ehh, may crush sa isang Nursing student dito sa school namen at kailangan lang naman namen ma-picturan ni Cha-cha ng malapitan. Ang sabi nila Mea at Cha-cha sikat daw yun sa school namen ang Nursing student na iyon, kasi daw kasali sa Basketball team at gwapo daw? Ewan ko kung totoo yan, hindi kasi ako mahilig makisalamuha sa ibang tao eh at isaulo lahat ang names at faces na nag-aaral dito sa Cebu Normal University. I mean, kahit nga mga ka-majors at teachers ko eh nababaliktad ko ang name or worst nakakalimutan ko talaga ang name. -___-
"Dito muna tayo kakain kasi sa kabilang karinderya kakain sila Chua eh!" kinikilig na sabi ni Mea.
"Ano nga name at itsura ng crush mo Mea?" tanong ko kay Mea.
Napa-facepalm na lang sila Cha-cha at Mea sa tanong ko. Umaandar na kasi ang Nakalimutan-ko-syndrome ko eh.
"Kakasabi ko lang sa name eh" sabi ni Mea.
" Hindi ka na talaga nagbago Ria. Basta ituturo na lang namen mamaya okey?" natatawang sabi ni Cha-cha.
"Okey"
Ilang sandali pa ay may dumaan ng limang lalaki na naka all white. Baka isa na sa kanila ang crush ni Mea? Kasi yung sling ng ID nila ay color green. Pagtingin ko kay Mea ay pulang-pula na ang mukha niya. So, tama nga ako na isa sa mga syokoy na to ang crush ni Mea? Kinalabit ko si Cha-cha.
"Isa ba dun ang crush ni Mea?" tanong ko kay Cha-cha.
"Ou, yung nka Jansport na kulay neon green ang crush ni Mea."
"Eto na yung camera Cha-cha. Punta na kayo dun habang hindi pa masyado marami yung mga tao sa kabilang karinderya." sabay bigay ni Mea ng camera kay Cha-cha.
Nung nasa harapan na kami ng karinderya na kung saan kakain yung crush ni Mea ay binigay ni Cha-cha sa akin ang camera sabay tulak sa akin papasok sa karindeya.
"Aray ko naman Cha-cha!"
"Sorry Ria! Kaw na lang yung gagawa huh? Dito na lng ako sa labas." sabay peace sign sa akin ni Cha-cha.
What the?
"Ako lang ang papasok sa loob? Di ba tayo yung kukuha ng picture sa crush ni Mea?"
"Nahihiya ako ehh!. Kaya mo na yan! May tiwala kami sayo"
Great. Just great. Mga kaibigan ko ba talaga to?
"Okey, para matapos na to." ang nasabi ko na lang. Kung hindi ko lang talaga mahal tong dalawang to hinding-hindi ko to gagawin.
Habang papalapit ako sa syokoy na iyon ay parang mamatay na ako sa kaba. Shemay naman kasi eh! Bakit naman kasi ako napasok sa kagagahan ng mga kaibigan ko eh?! Juskoooo! T____T
*flashback*
Nasa canteen kami ni Mea. Inaabangan nya daw yung crush nyang syokoy. Maya-maya dumating si Cha-cha.
"Mga jumega, may ishe-share ako sa inyung kwento." masayang sabi ni Cha-cha.
"Ano yun?" matamlay na sagot ni Mea.
"Anyare jan?" tanong sa akin ni Cha-cha habang nginunguso si Mea.
"Hindi ata nakita ngayong araw yung si syok-este yung crush nya." Hindi ko na itinuloy ang pagsabi ng syokoy, hindi kasi alam nila na syokoy ang tawag ko sa crush ni Mea kahit na hindi ko pa ito nakikita sa loob ng dalawang taon namin dito sa University na ito. At ngayong third year na kami sana naman magpakita na sa akin si syokoy.
"Sakto ang timing nung ishe-share ko sa inyu sa problema ni Mea"
Napatingin naman agad sa kanya si Mea at parang nabuhayan.
"Ano yang ishe-share mo? Bilis sabihin mo na sa amin!" Mea na hindi naman halata na excited nuh? -_____-
"Ganito kasi yun, may nakita ako sa youtube na yung babae may matagal ng may pagtingin dun sa lalaki , so ang ginawa nya kasi hindi naman siya napapansin nito ay kinuhanan nya ito ng picture at ginawang wallpaper sa loob ng 15 days. At sabi niya na pagkatapos daw ng 15 days ay papansinin na daw siya nung lalaki. At alam nyo buh? Pinansin talaga siya nung lalaki at nagde-date na daw sila ngayon!" kinikilig na sabi ni Cha-cha.
So yun lang pala ang sasabihin nya? Napakawalang kwenta naman ng kwento nya. Inantok tuloy ako. Pero eto namang katabi ko nagniningning ang mga mata.
"Tama! Susundin ko ang ginawa nung babae. . ." masiglang sabi ni Mea.
maya-maya. . .
". . .pero wala akong guts na picturan siya eh" naging malungkot tuloy siya.
"Wag kang mag-alala. Tutulangan ka namen ni Ria. Dbuh Ria?" sabi ni Cha-cha.
"Ehh????"
"Dbuh?" nanlilisik na ang mata ni Cha-cha.
"OPO. Sabi ko nga" :3
*end of flashback*
--
Author's Note:
Hello po sa inyu!
Hell week na naman.
May suggestions po ba kayo na isang sikat na personality na pwede nating iganap bilang si Rianne? Comment lang po kayo kung sino. Thanks! :)
Shana ♥
