Huminga muna ako ng malalim bago ko lapitan si syokoy. This is it, pancit! Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang camera ni Mea. Langya! baka mahulog ko to dahil sa kaba ko! Pinikit ko muna ang mata ko and once again huminga ako ng malalim.
Wait. Ang sabi ni Cha-cha ang crush ni Mea ay naka-Jansport bag pero ano nga ulit yung kulay? Green or Neon Green or Dark Green? Nakalimutan ko! Arrrgghhh! Asar naman oh!
Tumngin ako sa taas at pilit na inalala kung ano ang kulay ng bag ng crush ni Mea.
Isipin mo kung ano ang kulay Rianne!
Ting!
Alam ko na! Green yung sinabi ni Cha-cha. Ang galing ko talaga! Sinimulan ko na ang paghahanap ni syokoy.
Ayun at nakita ko si syokoy na nag-o-order pa nang pagkain habang yung mga alagad niya ay naka-upo na sa mesa na nasa dulo. Paano ko ba siya lalapitan?
Asar naman to oh! >.<
Napa-facepalm na lang ako. Wala na akong choice kundi gamitin ang pagkakapal ng mukha ko. Iisipin ko na lng na para to kay Mea. Para naman hindi na siya malungkot kung hindi niya makita si syokoy.
Naglakad na ako papunta kay syokoy pero nakatalikod siya sa akin. Nung nakalapit na ako.
"1 cup of rice, ginataan monggo at etong adobo." sabi ni syokoy sa tindera.
Sigh. Kaya ko to!
"Ahm. . .e-excuse me?" kinakabahang sabi ko kay syokoy. Shemay! Kill me know please?!
Sa lahat ng kalokohan na ginagawa namin nila Mea at Cha-cha ngayon lang ako kinabahan na to the point na naiihi na ako o hindi kaya natatae dahil sa simpleng sulyap lang sa akin ni syokoy!
Waaaaaaah! Don't tell me ipapakain nya ako sa mga pating kasi naistorbo ko siya?!
Pero hindi ko inaasahan ang nangyari. Ngumiti siya sa akin sabay sabing. . .
"Ay sorry Miss, nakaharang pala ako. Sige order ka lang." umisod naman ng kunti si syokoy.
Huh? Akala nya kaya nag-excuse ako kasi bibili ako ng pagkaen? Pfffft! XD Kala ko pa naman. . .pero hindi ba nya nakita na may dala akong camera?
Binigay na nang tindera ang order niya kaya papunta na siya sa mesa kung saan andun ang mga alagad niya. OMG! Yung pakay ko pala dito, baka makalimutan ko! Bago pa makatalikod sa akin si syokoy ay kinauusap ko na ulit siya.
"Hindi naman po ako oorder Syok-este Kuya. A-ang totoo nyan eh. . ." pinakita ko sa kanya ang dala kong camera with matching puppy eyes. ". . .p-pwede po ba kita k-kuhanan ng picture?" pigil hiningang sabi ko kay syokoy.
Natigilan si syokoy at tinititigan ako ng mabuti. Patay! Gulp!
"Sorry Miss, ayoko. Hindi ako magpapakuha ng picture."
"Sige na Kuya, kahit isang shot lang." sabi ko with puppy eyes ulit. Tumalab ka please!
"Saang banda sa ayoko ang hindi mo naiintindihan Miss?" naiiritang sabi ni syokoy.
Natigilan ako sa sinabi ni syokoy. Wow! Ang gara ni syokoy. Pero sorry na lang siya. Hindi ako madaling sumuko. Bleeeh! Hahahaha!
At nakaupo na nga siya sa mesa at magsisimula nang kumain. Lumapit agad ako at kinulit. Kinalabit ko siya pero hindi nya ako pinansin. Nagtataka naman ang mga kaibigan niyang nakatingin sa amin.Tinignan ko isa-isa ang mga alagad niya.
Infairness may mukhang maipagmamalaki ang mga friends ni syokoy pero bakit siya hindi? Kasi syokoy siya kaya wala siyang maipagmamalaki? Natawa naman ako sa naisip ko. Waley eh. Pffffffffft! XD
"Why are you laughing?"
Huh? Tumigil ako sa pagtawa ko.
"May naalala lang ako." pagsisinungaling ko.
Ikaw yung pinagtatawanan ko syokoy! Panget mo! Bakit kaya nagkagusto sayo si Mea?
"Dude sino siya?" tanong nung kasama ni syokoy.
"Ewan ko." nagkibit-balikat siya.
"Eh bakit nakasunod at kinukulit ka?"
"Stalker siguro." sabay subo niya sa ginataan.
Ako stalker? Walanjo!
"Anong stalker! Wag feeling oy!" sabay batok sa kanya.
Tinitigan niya ako ng matalim habang hinihimas ang parte kung saan ko siya binatukan.
"Pwede ba miss umalis ka na? Hindi ako magpapakuha ng picture." naiiritang sabi niya.
Para naman akong natauhan. Nagpunta pala ako dito para kumuha ng picture ng syokoy na to.
"Sige na po kuya. Kahit isa lang. Crush ka kasi ng kaibigan ko."
"May FanGirl ka na pala!" tukso sa kanya ng mga kaibigan niya.
"Alam mo miss hindi mo ako mauuto. Hindi ang kaibigan mo ang may gusto sa akin kundi ikaw. Ginawa mo lang palusot ang kaibigan mo. Tss." napapailing na sabi ni syokoy.
Nabigla ako sa sinabi niya. Ako?! NO.WAY! Sa mukha niyang yan hindi niya mapapantayan ang mga crush ko sa Super Junior!
Tumawa naman ang mga kaibigan ni syokoy. Si syokoy naman ay nagpatuloy sa kanyang pagkain.
Ayaw mo pala huh? Tinignan ko ang kanyang mga kaibigan at hindi na sila nakatingin sa akin. Okey! Kukuhanan kita ng picture na naka side view.
Click!
Hahaha!
"Di ba sabi ko wag mo akong picturan!" galit na tumingin siya sa akin.
Napalunok ako at walang sabi-sabi ay tumakbo na ako palabas. Naabutan ko dun si Cha-cha. Nagtataka siya kung bakit ako tumatakbo. Paglapit ko magtatanong pa sana siya pero hindi ko na siya binoigyan ng pagkakataon na magsalita.
"Mamaya ka na magtanong! Bilis na!" sabay higit sa kanya pabalik kung saan si Mea.
Pagdating namin ay sinalubong agad kami ni Mea.
"Ano na? May picture na kayo ni Chua?"
Hingal na hingal pa ako pero nagtanong na si Mea.
"Ou meron na pero naka-side view nga lang." sabi ko habang hawak ang dibdib ko.
Phew! Kala ko talaga hahabulin ako ni syokoy. Galit pa naman yun.
"Talaga? Patingin!" malaki ang ngisi ni Mea.
Binigay ko naman sa kanya yung camera. Lumapit naman si Cha-cha sa kanya para tumingin din sa picture.
I was expecting a big smile pero pagtataka ang nakita ko sa mukha nila. Anyare? Panget ba yung pagkuha ko ng picture?
"Ria san na yung picture ni Chua?"
Huh? Hindi nila nakita? Nilapitan ko sila at kinuha ang camera at tinuro yung picture.
"Yan oh."
"Ria, hindi yan si John Chua kundi si CJ Sanchez yan." nakangiwing sabi ni Mea.
"Sabi nyo Green na bag?"
Napa-facepalm na lang silang dalawa.
"Ria ang sabi namen kanina ay Neon Green hindi Green." Iling ng iling si cha-cha.
"Hindi mo ba siya sinamahan Cha?" tanong ni Mea sa kanya.
"Hindi ko siya sinamahan kasi akala ko ehh natandaan niya yung pinag-usapan natin."
Gulp.
Now I'm doomed. Nakakahiya! Hindi pala siya si Chua na crush ni Mea!
Sana hindi kami magkita sa school!
--
AN:
Yes! Nakapag-update nadin.
May ginagawa din akong isang story.
