Chapter 1:

13 2 1
                                    

"Bes, ano bang masarap kainin? Nagugutom na kasi talaga ako. Nagwawala na yong mga alaga ko. Kung maka kain lang sana ang bitoka ko, malamang kinain na nila."

"Gross! Tumigil ka nga Eejay, nagpapalibre ka lang eh! Hindi ka na naman kumain ng almusal no? Para may makain sina Nanay at Tatay mo."

"Hindi no, busog lang talaga ako, kaya hindi ako kumain. Pero, sa tuwing mag kasama ta'yo. Nagugutom talaga ako. Bakit kaya?"

"Palagi ka kasing nagpapalibre. PG ka kasi. Ahm, Wait. Saan mo gusto kumain? Feeling ko nag KI-crave ako ng spaghetti ngayon." Ani Chairot.

"Ahm. Sa Jollibee na lang kaya? Miss ko na kasi ang fried chicken nila, matagal tagal na rin noong huli mo kung E libre doon."

"Sge."

--

Naglalakad kami ni Chairot ngayon, walking distance lang naman yong school namin mula sa bahay namin kaya naglalakad na lang kami.

Well, Hi. Everyone! Ako nga po pala si Eejay Gayle Raguro. 16 years old. At isang Grade 10 student. Itong babaeng kasama ko naman ay si Harot- este Chairot Ramos kaibigan ko nga pala siya. Anak siya nang isang major share holder sa school namin na sina Mr. Dancler and Mrs. Claudia Ramos.

At ako naman ay isang ordinaryong tao lang naman. Hindi ako mayaman at hindi rin ako nagmula sa isang pamilyang maykaya. Nakatira ako sa tenement sa likod nang subdivision nina Chairot. Ang nanay ko ay isang labandera at ang tatay ko naman ay isang kargador. Sa isang araw, himala na sa amin ang maka kain kami ng tatlong beses dahil hindi naman ganoon kalaki ang kinikita nina Nanay at Tatay. Tapos, ang mahal-mahal na nang bilihin ngayon. Pero kahit salat man kami sa pamumuhay- Hindi naman nagkulang sina Nanay at Tatay sa pangangaral sa'kin. Kaya kahit kailan ay hindi ko pinagsisihan na sila ang naging magulang ko.

Nag ta-trabaho ako bilang tutor ni Chairot dahil ang parents niya ang naguba bayad ng tuition ko. At binibigyan pa nila ako ng allowance, kaya kahit papa-ano ay naitataguyod ko ang pag-aaral ko. Sa isang prestihiyosong skwelahan ako sa Cebu, nag-aaral. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko kina Chairot dahil sa tulong na naibigay nila sa'kin.

"Bes, andito na tayo. Anong gusto mo?" Kalabit ni Chairot sa 'kin. Dahil sa sobrang lalim nang iniisip ko. Hindi ko namalayan na andito na pala kami.

"Ahm. Isang C3 na lang at tsaka dalawang rice, large coke at large French fries." Sabi ko sa kahira. "Anong flavor po nang chicken niyo
ma'am? Ordinarily or spicy?" Tanong sa'kin nang kahira. "Yong spicy po sa'kin." Tumango ang kahira.

"Wow ha, nahiya naman ako sa'yo? Ikaw magbabayad?" Ani Chairot, itong babaeng to talaga. Napaka kuripot.

"Eh, pagbigyan mo na ako pleaseee? Gutom na Gutom lang talaga ako. Hayaan mo pag swumeldo ako. Ako naman manlilibre sa'yo."

"Talaga ha? Kahit anong gusto ko?"

"Oo. Kahit ano, basta hindi lumagpas sa 100 pesos." Sabi ko kay Chairot.

"Kitams, Kahit ano raw pero may limit." Sabi ni Chairot.

"Birthday kasi ni Nanay ngayong darating na sabado." Biglang lumingon sa akin si Chairot. "Gusto kahit maliit na salo-salo basta maging masaya lang si Nanay."

"Ano bang balak mong handain para sa birthday ni tita?" Tanong ni Chairot. Naglalakad na kami patungo sa table doon sa pinakadulo. Katapat noon ay isang Park kung saan maraming bata ang masayang naglalaro at nagtatawanan.

"Spaghetti, Adobo at tsaka bibili ako ng letchon." Sabi ko.

"Letchon ano? Baboy o Manok?" Tanong ni Chairot.

"Yong Manok lang no, ang dami ko namang pera kung letchon baboy yong bibilhin ko. At saka kami lang naman mag pa pamilya ang magsasalo salo at ikaw."

"Hmm. Sa bagay, ano kayang dadalhin ko para kay tita?"

"Kahit ano, okay lang naman kay nanay basta wag lang yong sobrang mahal, baka maloka si Nanay. Haha!"

"Baliw! Kumain ka na nga, para kang takas sa mental eh."

Nagsimula na akong kumain. Hindi ko maiwasan maisip kung paano ako nagkaroon ng ganitong klaseng kaibigan. Napaka bait kasi ni Chairot at kung kailan kailangan ko nang tulong, parati siyang andyan' sa tabi ko. Hindi man ako ma swerte sa buhay. Ma swerte naman ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Kahit yon lang kontento at masaya na ako. "

--

Tanghalian na. Andito ako ngayon sa hallway malapit sa classroom ni Chairot. Hinihintay ko siya dahil sabay kaming kakain, pero may emergency meeting sila ng student Council para sa upcoming" Foundation Day" ng school namin. Si Chairot kasi ay ang Secretary ng Student Council at kailangan talaga na umattend siya ng meeting.

Hinihintay ko lang siya ng may mapansin akong lalaki na parang di mapakali at parang pawisan siya. Hindi ko na lang siya pinansin kasi akala ko baka na'popo' lang siya. At humahanap lang nang CR. Pero, laking gulat ko nang lumapit ito sa'kin. At hinawakan ang braso ko.

"Ba..bakit?" Nabubulol kong tanong. Medyo nag pa panic na rin kasi ako. Kasi, hindi ko alam kung anong nangyayari sa lalaking to. Baka kung ma pano to, ako pa ang mapagbintangan.

"Sa rooftop, pumunta ka sa, ro-oftop."

"Ba.. Bakit?"

"Huwag ka na mag tanong, basta pumunta ka na lang."

"O-ooh." Agad akong tumakbo papunta sa rooftop, kahit hindi ako runner pinilit kong umabot doon nang mas madali. At nang naroon na ako, may nakita akong lalaki na parang mag su-suicide. Nakaupo siya sa railings ng rooftop.

"Huwag! Please, Huwag kang magpapakamatay. Please! Ang gwapo-gwapo mo pa naman. Wag kang magpapakamatay." Sabi ko sa lalaki.

"What are you talking about Miss?" Sabi sa akin ni gwapo.

"Naku! Gasgas na ang linya na yan uy. Magpapanggap kang wala kang balak na mag pagkamatay, para paalisin ako. At saka sa pag alis ko doon ka na tatalon. Nako! Para sabihin ko sa'yo. Hindi ako aalis dito hangat hindi ka kasama."

"Anong magpapakamatay, hindi ako magpapakamatay. Nagpapahangin lang ako."

"Aysus. Wag nang maraming palusot ang mas mabuti pa, eh bumaba ka na dyan' at ka pag bumaba ka dyan, gagawin ko lahat ng gusto mo. Wag ka nang choosy si Eejay Gayle Raguro na ito oh! Aarte ka pa? "

"Talaga? Kahit ano?" Sabi ng lalaki

"Oo. Kaya bumaba ka na."

"Kahit maging girlfriend kita? Sabi sa'kin nang lalaki. Tss. Sasakyan ko na lang para bumaba na tong taong to.

" Oo. Kaya-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang akong nahilo at black out. Pero bago pa man ako nawalan ng malay, ay narinig ko ang pangalan ng lalaking dahilan ng pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya.

"Moses Guzon"

At tuluyan na akong nawalan ng malay.

I Gave My Virginity To A BadBoyWhere stories live. Discover now