Chapter One

15.3K 244 5
                                    

WALANG kibo si Xyron habang kaharap niya si Arbi sa loob ng kanyang private office sa salon-slash-spa-slash-derma clinic na pagmamay-ari ng pamliya niya, at siya ang nakatoka sa branch ng salon area nila kasama na ang ilang pang branch na malapit doon.

Regular customer nila si Arbi at halatado ang pagkagusto sa kanya. "Kailan mo ba ako yayain na mag-date, Xyron."

Humugot siya ng malalim na hininga at tinitigan ito. Kung puwede lamang niya itong layasan ay kanina pa niya ginawa. Kaya lamang ay ayaw niyang maging bastos lalo na sa isang babae lalo nasa loob sila ng kanyang teritoryo, "Alam mo, Arbi. 'Wag mo akong kulitin sa mga ganyan kung ayaw mong palayasin kita sa harap ko. Isa pa, kababae mong tao ay ikaw pa ang nagyayaya sa akin."

"Haller! Eh, ano ngayon kung babae ako? Wala na tayo sa lumang kapanahunan, kaya i-date mo na ako."

Tinitigan niya ito, "Iniisip mo ba talaga na ganoon ako kadaling makuha?" naiinis niyang tanong. Hindi niya alam kung bakit napakamanhid nito. Sa umpisa pa lang na nakilala niya ito ay nagpahalata na ng pagkagusto sa kanya, halos ito na ang nanliligaw sa kanya at kulang na lamang ay bigyan siya nito ng bouquet para mapasagot siya nito. Kahit ilang beses na niya itong sinopla, parang hindi nito maunawaan na wala itong aasahan sa kanya.

Arbi was a good catch, gorgeous, at bukod sa maganda ay nagmula pa ito sa mayamang pamilya. Kaya lamang ay ayaw niya sa babae na masyadong bulgar ang pagkagusto sa lalaki.

"I like you, Xyron." Diretsang sabi nito, "You're the only man I've ever courted. Tatlong buwan na akong nagpapansin sa'yo pero dinidedma mo lang ako."

Hindi makapaniwalang napailing-iling siya. "Kung nagsasawa ka na sa pagpa-cute mo sa'kin, hayun ang pinto." iminuwestra niya ang nakabukas na pinto ng salon, "You can go now."

Nalungkot ang mukha ng dalaga sa tinuran niya rito, huli na para bawiin niya ang kanyang sinabi. Tumayo na ito mula sa silya at walang paalam na nagmartsa palabas ng pintuan.

Alam niyang nasaktan niya ito lalo na't maraming effort din ito na ginawa para sa kanya.

"Whew! Laki talaga ng pagkagusto sa'yo ni Miss Arbi. Huwag n'yo na lang siya pansinin. O kaya naman, diretsahin n'yo na siya na hindi n'yo siya gusto o magugustuhan."

Nagulat pa siya nang magsalita ang assistant niyang si Bryce. Nakalapit na pala ito sa kanya nang hindi niya namalayan. Nilingon niya ito, inaaayos nito ang mga product sa estanteng malapit sa kanya.

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng nagawa ang sinasabi mo. Kaya lang, manhid talaga si Arbi. Ayaw na ayaw ko sa babae na lantaran ang pagpakita ng gusto sa lalaki." Sabi niya na makulimlim ang mukha.

"In love lang 'yon sa n'yo kaya siguro ganoon ang isang iyon."

"Ewan, at kahit na."

Ipinagpatuloy na nila ang ginagawa. Patapos na sila sa pag-aayos ng mga product na bagong stock nang dumating ang pinsan niyang si Trent. Bigla na lamang itong sumusulpot sa salon niya kung saan siya nakatoka, si Trent ay tinuturing na niyang nakakabatang kapatid dahil nag-iisa lamang siyang lalaki sa kanilang magkapatid. Tatlo lamang silang magkakapatid, siya ang bunso at ang dalawang nakakatandang kapatid niya na pawang mga babae na nakabase sa iba't-ibang branch ng kanilang salon na nasa Baguio, at siya ang nakatoka sa Manila.

"Hi, brod! Hi, Bryce! Wazzup?" tanong nito.

Sinita niya ito, "Bakit nandito ka, Trent?"

Ngumiti ito sa kanya, "Eh, naboboring ako sa shop. Wala masyadong costumer ngayon." May sarili itong car shop na pag-aari nito.

He rolled her eyes, "Saan pa nga ba ang tambayan mo kundi rito? 'Wag ka magulo, may trabaho kami."

"Oh! Don't tell me na magkakatotoo na ang hinala ko na magkakaroon na ng binabae sa pamilya." Ngumingising sabi nito.

SNOBBISH PRINCE: XYRONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon