Chapter Two

8.9K 214 1
                                    

Snobbish Prince"

-Eleony Che

Chapter Two

SUBRA siyang nanghinayang dahil napalampas niya ang pagkakataon na muling makalapit sa lalaking hindi na mawawaglit sa puso niya at sa isipan. She once again turned to the couple seated third from their table and focused to the face of Xyron. He was really gorgeous, really handsome for her eyes.

Xyron very sleepy and bored, she observed.

Ilang beses niyang nahuli ito na pilit na ngumingiti at pinipigilan ang paghikab. Paminsan-minsan din ito nakikipag-usap sa ka-date nito at hindi man lang napapansin ng ka-date nito ang ginagawa nito at patuloy lamang sa pagsasalita.

Parang hindi ito nakikinig sa babae dahil nagko-contrate lang ito sa pagpipigil ng antok. Though he looked bored to death in her company, that girl was still so lucky to be with his tonight.

She sighed. Xyron looked bored, all right. But that didn't hide his handsome face. Kung siya sana ang ka-date nito, sisiguraduhin niyang hindi ito aantukin sa company niya. Sayang, siya sana ang kasalo ng lalaking minamahal niya kung hindi niya tinanggihan ang alok ni Angel.

"Ikaw dapat ang kaharap niya ngayon," sabi sa ng kanyang bessy. Parang nabasa nito ang laman ng kanyang isip.

"Bakit kasi hindi mo pala sinabi kagad ang pangalan niya?"

"How? Sunod-sunod ang sagot mo ng no way, no way! Tapos ngayon manghihinayang ka." pinagtawanan siya nito.

Nagkibit-balikat siya. Oh, well, nangyari na ang lahat at kahit manghinayang siya buong magdamag hindi na niya mababawi ang desisyon niya.

Pinagmasdan na lang uli niya si Xyron. Hindi ito ang pinakaguwapong lalaking nakita niya. But he possessed something that made her fell in love with Xyron sa unang kita pa lamang niya na minsan nakita niya ito sa isang mall, at sinundan niya ito hanggan sa pagmamay-ari nitong salon. He really caught her attention sa unang kita niya rito.

Noon din ay nagdesisyon siya. Inubos niya ang laman ng kanyang kopita at tumayo na siya.

"Saan ka pupunta, bessy?" nagtatakang tanong sa kanya ni Angel.

"I'm gonna take back what's supposed to be mine," sagot niya. Binalingan niya ito, "And maybe save a bored prince from a boring night with witch."

"Oh.. Wow! Great! Gora," itinaas nito ang kopita nitong may lamang alak, "Good luck, bessy."

NAGBIBILANG si Xyron nang hanggan sampu sa isip bago niya ibinalik ang tingin sa kanyang baso. Pinapakinggan na lamang niya ang mga kuwento ni Ayah Rebian.

"If it wasn't for me, I'm sure matagal ng naalis ang trabaho ang taong iyon.."

Yeah, your great and heroine of you co-teacher! Sigaw ng inaantok niyang kaisipan.

Nalaman niyang masyado itong madaldal tungkol sa mga bagay bagay sa paligid niya. Ayah was a teacher by profession and conceited by nature. She was a young dean of a private secondary school, may mga sinasabi pa ito tungkol sa sarili nito pero hindi na niya pinapakinggan. Pulos pagyayabang tungkol sa mga natulungan ang ibang kinukuwento nito. Maganda sana ito at may magandang hugis ng katawan tulad ng sinabi ni Trent pero masyadong maingay.

Xyron trying to be a gentleman with her but he can't control his eye's not to fell sleepy and bored. Enjoy na enjoy ito sa pamumuri sa sarili nito at kung magkuwento ito ay animo ito na ang pinakabatang dean sa mundo.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Sinasabi na nga ba niya at walang magandang mangyayari sa pakikipag-blind date niya. Kung bakit kasi nagpadala siya sa pangungulit ng kanyang pinsan. Humanda talaga ito kapag magpakita ito sa kanya, makakatikim talaga sa kanya. Sa sunod na kulitin siya nito at pilitin na makipag-blind date ay hinding-hindi na siya magpapadala.

SNOBBISH PRINCE: XYRONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon