“Nga pala, guys!” nag-announce agad ang class president namin na si Jared pagpasok niya sa classroom. “Sabi raw ng PE teacher natin, magpapractice daw tayo ng dance natin para sa JS Prom.”
“Yeheeeeeeey!” sigaw naman ng aking mga kaklase. Mamaya na ang PE class namin, at iniisip naman ng iba na tetengga lang sila doon sa bleachers o kaya maglalaro na lamang kami ng random sports tulad ng basketball at volleyball. Kasama nga pala ako sa mga tetengga sa bleachers. Ay, thank you!
“Ano ba yung sasayawin natin?” Althea batted her eyelashes at Jared. Eww, what a gross sight. Grabe.
“Tango,” sagot ni Jared.
“Tango? Oh my God, maganda iyan. I guess we can pull it off although mahirap siyang sayawin,” Althea sounded like she’s trying to be nice, pero parang ipinapalabas niya na: PWE, SA ATIN NA LANG ANG TANGO KASI SIGURADONG PAPALPAK ANG MGA MANGMANG NA SECTION KAPAG SINAYAW NILA IYON.
“Ooh, parang fun iyon,” napangiti si Raya saglit, kaso nga lang, bigla na lamang siya nainis. “But that’s so unromantic! Although it’s fun to dance.”
“Unromantic? May partners kaya ang tango,” agad ipinilit ni Althea na kailangang tango ang sayawin namin. “And don’t worry, tuturuan ko kayo kung paano sayawin iyon.”
Raya rolled her eyes, mouthing: “Gusto mo lang naman magpasikat.”
“Uy, Jared!” masayang tawag ng supposedly class salutatorian namin na si Karen. “Yayayain mo bang maging partner si Valerie sa segment na slow dance sa JS Prom?”
Nabigla si Jared nang nagsigawan ang iba naming mga kaklase ng: “Ayiiiiiiiiiiiie~!” Pati nga sina Keith at Gale, nagtitilian pa na parang fangirls pero biologically hindi fangirls.
“Bakit napunta kay Valerie ang usapan?! Naman,” depensa ni Jared, with matching kamot sa likod ng kanyang ulo and blush.
Napapangiti ako tuwing may nagshiship kina Jared at Valerie. Ang matipuno at cool na corps commander. Ang cute at optimistic na songbird. Nalaman kasi namin lately na may crush si Valerie kay Jared, tapos may balak pang ligawan ng aming class president itong songbird namin. Hehe. And every time our classmates bring that up, kung anong katopakan ang nangyayari sa kanilang dalawa. Which we find adorable.
Usually, natutuwa ako tuwing nakikisabay ako sa mga pakulo ng aming klase. Kaso nga lang...
“Psst, Elise!” pumalakpak pa nang isang beses si Rydia sa harapan ko para makuha niya ang atensyon ko. “Kanina ka pa nakatulala kay Jared.”
Agad akong umiling. “Nasabi kasi yung tungkol sa sayawan.”
Usually naman, yung mga mag-boyfriend-girlfriend, sumasayaw sa slow dance tuwing JS Prom. Siyempre, bago pa mangyari ang lahat, kailangang yayain ng lalaki ang babae na makisayaw sa kanya. Parang ganun. Of course, nakakatulong mag-set ng romantic atmosphere ang JS Prom.
“Sayawan?” mahinang tumawa ang kaibigan ko. “Last year nga, wala ka namang pakialam sa mga slow dance-slow dance na iyan. Kasi hinihintay mo si Shiki na yayain kang sumayaw kasama siya!” Ngumiti siya sabay siko sa braso ko.
Pinilit ko namang tumawa. “Naman!”
“Elise, don’t tell me nabo-bother ka.” God, nahahalata ba ako?
Para maitago ko nang mabuti yung awkwardness na nararamdaman ko, sinubukan kong baguhin ang topic. Not really isang malaking pagbabago. May relation pa rin naman dun sa sayawan and such. So I flashed my brightest smile and asked: “So, niyaya ka na ba ni Daddy sa slow dance?”
“What?!” Perfect. Na-shift na ang attention ni Rydia. Nabigla siya sa tinanong ko at agad namang namula ang mukha niya. Haha, mga cutie talaga ang dalawang iyon. “W-w-wala pang sinasabi sa akin si Lamont pero...”
BINABASA MO ANG
Message from Alexander
Short StoryDi ba naka-move on ka na? Bakit iba pa rin ang nararamdaman mo?