Chapter 2
"KESHA, ang blooming mo ngayon, ah! Kung 'di ko lang alam na wala kang jowa. Iisipin kong nadiligan ka kagabi."
Muntik nang masamid si Kesha dahil sa sinabi ng kaibigan si Ramona, isang sped teacher din tulad niya. Kasalukuyan silang nasa school canteen at kumakain ng kanilang tanghalian.
Kung alam lang nito na nadiligan siya kagabi ni Andrew. Hindi na nga siya halos nakatulog dahil sinulit nito ang ilang araw na hindi sila nagkita.
"Uy! Marinig ka! Nakakahiya!"
"Gaga! Anong nakakahiya sa pagiging blooming, unless may nandilig sa'yo tapos hindi mo jowa!" Humagikgik pa ito.
Tuluyan na siyang nasamid. Nasapol nito ang kanyang kasalukuyang sitwasyon. Ba't ba kasi ang tabil ng dila ng kaibigan niya ito.
They have been working for 3 years now. Nauna lang siya rito nang mahigit isang taon. Since the day Ramona started teaching. Siya na ang naging ka-chismis-an nito sa lahat ng bagay. Ito rin ang nag-celebrate ng birthday noon, iyong gabing binigay niya ang sarili kay Andrew. The night when everything about their little secret started.
"Alam mo, ang tabil talaga ng dila mo!"
Kumuha ito sa ng isang piraso ng french fries sa harap niya at sumubo muna bago nagsalita.
"Alam mo, ang ganda mo naman. Matalino, halos lahat naman na sa'yo na. Jusko, wala pa ba talagang nagtatangkang manligaw?"Heto na naman sila.
"Nako, kung mayroon man, ikaw ang unang makaka-alam. Alam mo naman bahay-eskwelahan lang ako. Hindi nga ako lumalabas 'diba?"
Simula kasi nang gabi 'yon ay hindi na siya ulit nakapunta sa mga bar. Kahit anong yaya ni Ramona o ng ibang mga katrabaho niya ay hindi na siya pumayag na lumabas muli. She knew herself very well. May mga bagay na nasasabi at nagagawa siyang hindi dapat. At isa pa, kabilan-bilinan ni Andrew na 'wag na 'wag na siya ulit pupunta sa ganoong lugar. At lalong 'wag na 'wag siyang titikim ng alak. Dahil tiyak na makakapatay raw ito oras na may nagtangkang humawak na lalaki sa kanya.
At some point, kinilig siya sa mga sinabi ni Andrew sa kanya. Kahit pa nga sexual relationship lang mayroon sa kanila.
"Eh, kung kasing sumasama ka sa mga gala 'di ba? Sana may nakapansin na sa ganda mo. Uy! 'Wag mong itago iyan. Kung ganyan lang ang mukha ko. Tas kasing kinis ng balat mo at kasing ganda ng katawan. Nako! Baka 'di ako teacher ngayon. Laman ako ng mga beauty pageants!"
Napa-iling-iling siya. Hindi lamang ito ang nagsabing maganda siya kung hindi rin ang iba pa nilang co-teachers. Wala naman din kasi silang ka-trabahong lalaki, mayroon naman pala. Kaso lalaki rin ang hanap.
Lagi nga nilang sinasabi na hawig siya sa artistang si Max Collins. Hindi niya kilala iyon pero ng minsang tignan niya ang larawan ay nabigla siya. May hawig nga sila at hindi siya makapaniwala dahil nga sa maganda ito.
Siguro nga bumaba ang self-esteem niya. Paano ba naman ay walang pumapansin sa kanya noon.
"Wait! May ipapakilala ako sa'yo!" Nagningning ang mga mata nito at tila may naisip na magandang ideya. "Yung pinsan ko, darating sa makalawa. Single iyon. Jusko, nuknukan din ng gwapo at halos ka-edaran lang natin. Irereto kita sa kanya."
"Tigilan mo nga ako, Ramona!"
"Ako ang tigilan mo! Sa ayaw at gusto mo, ise-set ko kayo ng date! Haler! Dagdag inspirasyon din ang ang may love-life 'no! Tignan mo ako, kahit stressed sa mga bata ay keri lang kasi may jowang tagatanggal ng stress ko sa buhay."
![](https://img.wattpad.com/cover/20758141-288-k720911.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Andrew Sebastian
Novela Juvenil"I am pregnant." Kita ni Kesha ang panlalaki ng mga mata ni Andrew. Hindi na siya nagulat sa nakitang reaksyon nito. "How?" tanong nito na tila punong-puno ng pagdududa. Unti-unti kumunot ang noo nito nang marahil ay napagtanto nito ang isang bagay...