@Chapter 8

4 0 0
                                    

" Late na po maam! Gabi na". ani ni manong Alejandro .
Napalingon si jasmine;nagulat na bati ng guard on duty.

Kalalabas lang niya sa gate 1. Wala siyang nakitang guwardya kanina kaya lumabas na lang siya at nilampasan ang guard house. Alas syete na ng gabi at wala nang nakikitang tao sa paligid ng planta. Ksnina pa nagtago si Haring araw at maalinsangan ang paligid dahil hindi pa tapos ang tag-init at nasa industrial park siya ngayon. Lahst ng mga sasakyan na mga empleyado , maliban sa isang naka-park na Nissan Frontier, ay nakaalis na at natahimik ang paligid maliban sa mga ungol ng makina planta. Wala na ring ibang constructor na nakikitang maraming sa labas tuwing araw at oras ng trabaho.
Maiitim kasi ang guard, naiisip ni jasmine na dahilan kaya hindi niya ito mapansin kapag ganoong nakaupo ito sa dilim.Ngumiti siya.
Malaki ang platang coconut indusries.Mga isang libo siguro ang dami ng trabahador at halos mga kalalakihan lamang ang nagtatrabaho.Ang administritatiin office ay malaki at makalumang panahon ang disenyo.Gawa sa kahoy at dahon ng nipa ang bubong.Capiz ang bintana na tulad ng mga sinaunang malalaking bahay noong panahon ng kastila.

Ang mga makinarya naman sa loob ng planta ay naglalakihang parang mga dambuhalang nagpapaligsahan sa lakas ng tunog.
Nagtatayugan ang mga ito sa laki at parang mga langgam lamang ang mga trabahador na gumagawa sa paligid.Marami ring contractors ang pumapasok doon.Kapag nagkakaroon kasi ng project ay karaniwang milyunes ang mahalaga ng mga iyon.Ang kababaihan ay makikita sa laboratoryo at sa administrition office .Ang karamihan ng nagtatrabaho ay nakaatang sa kalalakihan.
Gumagawa ng planta ng glycerin at iba pang soap ingredients.Galing ito sa coconut oil at sng produkto ay ine- export sa ibang bansa .
Si Mang Alejandro ang bantay sa Gate 1 at iba naman ang guwardiyang nasa Gate 2.Kung araw ay mahigit sa isa ang bantay ng mga gates pero kapag gabi ay isa lamang.Tabain ang matanda at kung hindi mo kilala ang ugali ay matatakot ka sa unang tingin dito.Maitim kasi ito at mukang goon, pero mabait naman ang ugali .
" Oo nga po , eh Tagal ko po kasi inabot ng meeting saka problemado ang planta, " sagot niya sa guard.
" Mukang parati kayong gagabihin sa pag uwi niyan". patuloy nito.
" Paano niyo po nalaman, manong? naitanong niya.
" Yung dati kasing engineer dyan, si oliver, gabi parati iyon kapag umuwi.
"Ganoon po ba? Sanay na po ako sa ganitong trabaho, Manong!" Sagot niya.
Nagpunas siya ng pawis.Maalinsangan talaga ang paligid.
"Wala na kayong masakyan.Mag antay tayo ng trycicle", alok ng lalaki.Kadalasang mayroong trycicle na nag hihintay ng pasahero sa malapit sa gate, pero dahil gabi na ay madalang na iyon.
Puwede ko kaya lakarin hanggang sa labasan? Naisip niya. .atatagalan siya sa paghihintay kaya napatinginsiya sa relo.alas dose na siguro siya makakarating sa boarding house .Nakakapagod talaga sa katawan ang kanyang trabaho.
" Ilang minuto po kaya kung lalakarin kung itong daan hanggang bayan?gusto ko po kasing umabot ng FX pabalik ng maynila", aniya.Marami pa naman siyang dalang files.
Apat na oras ang biyahe papuntang manila.Araw araw ay tatahakin niya ang batangas -manila route, maliban nalang kung mayroon siyang meeting sa kompanya o sa ibang projects nila.
Marami silang projects na kanyang binibisita .Araw araw ay normal ang tatlo na kailangan niyang puntahan.Ang projects nila rito ang problemado kaya siya rito nakatutok.
" Naku, delikado na maglakad kayo diyan.mahaba pa naman ang talahib diyan .Antay nalang tayo ng ibang supplier at baka may naiwan pa sa loob .Ipapasakay ko kayo sa kanila.Kung hindi naman , baka may empleyado pang naiwan." Parang nabasa ng guard sa isip niya.

She Meet Her BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon