@Chapter 11

5 0 0
                                    

    Mahaba nga ang daan at matalahib bagaman sementado na ang daan galing sa Industrial Park na ito. Matatangkad ang talahib at walang street lamps sa daan kaya delikado ang maglakad nang mag-isa.
   "Naku, salamat po ha?  Ambabait n'yo po talaga, " sagot niyang bahagyang nginitian ang matanda. ". Marami po ba ang mga kababaihan na  nararape diyan?  Ibinaba ang dalang files at ang kanyang skull guard saka umupo sa bakanteng upuan sa loob ng waiting shed malapit sa guard house.
    "Wala pa naman. Pero, mas maigi  ng pinag-iingat namin ang mga kababaihan", anito saka nagtanong, Bago lang kayo dine, Ineng? "

"Ah, di po ako dito sa kompanyang ito nagtratrabaho. Contractor po nila kami. Yung dating contractor na pinapasukan ni Oliver, d'un din po".
   "Ganoon ba?  Nasaan nga ba yung engineer na iyon na dating in-charge sa plantang ito?
   "Nasa isang mas malaking kompanya na po si Oliver Sa Ortigas daw po".
     "Kung ganoon, ikaw yong sinasabi nilang engineer  nila dine?
    "Opo, " napapangiting sagot ni jasmine. Sanay na siyang namamangha sa kanya ang mga kalalakihan dahil sa kanyang trabaho. Dangan kasi ay trabahong lalaki ang napasukan niyang field.
     "Matanong nga kita, ilang taon kana, Ineng?,  usisa muli ng guard.
      "Twenty-eight po" Kapag pumapasok sa isang kompanya, kailangan maging friendly simula pa lang sa guard. Iyon ang narinig niyang  advice ng kanyang boss. Kaya hindi niya maiwasang makipagkuwentihan at makipagkaibigan para mabigyan ng contact sa loob ng planta. At siyempre pasalubong paminsan-minsan, lalo na kapag pasko.   
.        
        "Bata pa" dagdag pa ni mang Alejandro. " para ka lang pinabili ng suka sa tindahan. 
Lumawak ang ngiti niya. Halos ganoon ang komento ng masungot nitong amo nang makilala siya kahapon. Pero nakaka flatter ang pagkakasabi ng guwardiya kaya positibo ang reaksiyon niya. Hindi gaya kay Bret na para bang minamaliit siya.
 
         Ang totoo ay sanay naman siyang masabihan ng ganoon. Petite kasio siya. At dahil naka -usual jeans, white shirt, long sleeves at safety shoes. , ni  hindi na ka make up, hindi halata ang tunay niyang edad.

-s




π:

Masyadong Maliit ang story😂😁

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Meet Her BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon