Tahimik ang buhay ko
Mula ng wala ka pa
Ngunit isang araw binigla mo ko
At ika'y nakilala naTanda ko pa ang araw sa kung paano ka dumating
Mula sa isang simpleng ting
Ng aking aparatong gamit"Hi"
Ang unang sambit
Dahil di naman ako suplado
Ikaw binigyang pansin
"hello"
Ang aking tugon
Kaya mula non
Ang daan na namagitan sa akin ay biglang nagdugtongBiglang ang buhay ko ay umingay
Biglang gumanda at nagkaroon ng saysay
Biglang ginalaw ang pusong nakahimlay
Tahimik na naghihintay sa babaeng kanyang minamahalGanun na nga ang nagyari
Biglang gumulo ang mundong tahimik lang dati
Tahimik na nagmumukmok sa isang tabi
Nagbabakasali na may makapansin
Sa pusong wasak sana'y buuinSumaya ang munko ko nung nakilala kita
Sumaya ang buhay ko nang dumating ka
Sumaya ang buhay ko dahil sayo sinta
Sumaya ako dahil sayo
Sumaya ako
Sumaya ako pero hanggang saan ang kaya moHanggang saan ang kaya mong itagal
Hanggang saan ang kaya mo aking mahal
Hanggat sa huli ba kasama kita o baka mauwi lang sa sukuan
Hanggang saan ang kaya mong lumaban
Hanggang sa dulo ba ang walang hanggan
O baka hanggang dito nalang
BINABASA MO ANG
The Promise
Randomkwento ito ng isang lalaki na nakakilala ng isang babae sa tulong ng social media.. hanggang saan ang kaya nyang ilaban para sa taong mahal nya