02

295 16 3
                                    

woojin's

Start na ng dance compet namin. Panghuli ako magpperform kasi ako yung defending champion tapos second to the last si Joyce. So bale nandito kami sa backstage tapos pinapanuod namin bawat performance sa labas.

Napansin ako ni Joyce. Hindi niya siguro alam kasi nanlaki mata niya nung nakita ako.

"Woojin! Ikaw pala magssolo sainyo?" Tumango lang ako tapos napapalakpak siya.

"For sure, mananalo ka ulit! Sa galing mo ba naman?" No wonder maraming nagkakagusto kay Joyce. Sobrang approachable at sobrang friendly niya. Halos lahat ng kagrupo ko dito sa sayaw, naharot na niya. Bakit ako hindi pa?

Ano ba 'tong iniisip mo, Park Woojin?! Akala ko ba aral muna?!

"Woojin? Hello?" Tinignan ko siya. Putek nagspace out pa ata ako, ah?

"A-ah oo. Pero mukhang gagalingan mo rin eh." Tumawa lang siya tapos hinampas ako. Ngayon ko lang narealize, sobrang payat niya. Alam kong mapayat talaga yung tropa nilang si Lyka, pero parang humahabol 'to sa pagiging sobrang payat.

"Kumakain ka ba?" Shet, nasabi ko ba 'yon out loud? Ang daldal naman! Parang gago lang, Woojin!

"Oo naman, anong akala mo saakin? Osya, sasayaw na 'ko." Umalis na siya at naiwan akong nakatunganga.

**

a/n: happy 10k reads, alphabet!!!! ❤

energetic | p.wjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon